Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 May 2013

Radio Love Talkin’


12:43:47 AM | 5/18/2013 | Saturday

Let’s talk about love. Err, I mean, radio talk about love. Love has two faces. Either maging masaya ka, o masasaktan ka. At tulad sa pag-ibig, dalawa sa mga programa sa radio na panay problema at payo sa pag-ibig ang nilalaman ay ang pinakatanyag mula noon at mapahanggang ngayon. And I’m talking about Love Notes and True Love Conversations.

Bagamat may mga iba pang programa tulad ng Dr. Love ni Bro. Jun Banaag, The Love Clinic sa RX 93.1, ang dalawang ito ang madalas na tinatangkilik ng karamihan, lalo na kung problema-at-payo sa pag-ibig ang usapan.


Love Notes, mula sa produksyon ng isang radio DJ na si Joe D’ Mango, dating naging palabas rin ito sa TV noong dekada ’90, umere sa iba’t ibsng istasyon tulad sa Wave 89.1 (kung saan ay dati siyang Station Manager), sa DZMM Radyo Patrol 630, at sa ngayon, sa Radyo5 92.3 News FM. Ilang dekada na rin namayagpag sa ere ang Love Notes.

Samatala, sa kabilang banda, si Papa Jack ang nagtaguyod ng programang True Love Conversations sa 907. Love Radio, ilang mga taon na ang nakalipas. Kasama nito ang mga segment na The Letter, at ang isa sa mga programang pinakikinggan sa madaling-araw, ang Wild Confessions.

Magkaiba ang kanilang programming. Sa ngayon, ang Love Notes ay umeere twing Biyernes ng hatinggabi sa oras na alas-12 hanggang alas-2 ng umaga. Habang ang TLC naman ay umeere sa unang tatlong oras ng shift ni Papa Jack (9pm – 12mn) Lunes hanggang Biyernes.

Magkaiba rin sila ng istilo ng pag-aadvice sa mga love problems. Ang isa ay malumanay at may halong gabay ng pagiging Kristiyano, at ang isa naman ay straightforward; bagamat pareho nilang ipinamumukha nang tahasan sa tao ang problema at ang posibleng solusyon sa kanyang dinaranas na suliranin sa pag-ibig.

Sa sobrang patok lang nila, ang Love Notes ay may regular ng column sa isang pahayagan, nagkaroon na rin ng album kasama ni Sabrina; habang ang isa naman ay may sarili nang libro na kinabibilangan ng mga matitinding quotes, at laging nagiging laman ng mga post sa Facebook o tweet sa Twitter.

Bagamat hindi naman kailangan ikumpara ang dalawa. Dahil lahat sila ay may kanya-kanyang audience na sinusuportahan. May kanya-kanyang taste ang tao kung ano ang pakikinggan, kahit sabihin pa natin na basta love ang usapan, interesadong paug-usapan ito para sa halos sinuman.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!