Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 May 2013

Rewind: Upakan

5/9/2013 4:00:00 PM

Maiba naman tayo. Let’s go back to the 1970s with this parody track mula sa trio na wala na yatang ginawa sa kanilang musika kundi ang patawanin tayo sa pamamgitan ng kanilang Tough Hits.

Upakan, mula sa trio nila Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon, spoof mula sa kantang Usapan ng isang 70s group na Sing Sing.


Sa mga bagong salta sa ganitong genre na ang kinalakihan nilang patawa ay mula kay Sir Rex at Michael V, isa ang TVJ sa mga nagpasimuno ng mga musical parody sa Pilipinas. At samu’t saring mga kanta ang kanilang ginaya at hinaluan ng komedya mula sa tanyag na mang-aawit nun na tulad nila Rico J. Puno at Rey Valera.

Kaso yung babae? Hindi ko alam kung sino ang eksaktong kumanta e. amraming pangalan ang lumabas, ke si Ali Sotto, Coney Reyes, Bambi Bonus (sister in law ni Babsie, pero teka lang, sino din yun?), Yolly Samson ng Cinderella, Sharon Cuneta, o si Vivian Velez daw. Pero, marami ring nagsasabi na si Dina Bonnevie ang female counterpart ni Joey De Leon dito. Ang patunay? Ang Wikipedia article ng naturang aktres.

Ano naman masasabi ko sa kantang to? Literal, sumbatan ng isang mag-asawa ang nilalaman. Ang pagbabago sa pagsasama nila sa paglipas ng mga panahon. Mabigat ba? Hindi, nakakatawa nga e in fact. Naimagine ko nga ang mga mag-asawa na nakikipagtalo na a la rap battle na tulad ng FlipTop o Sunugan – as in lyrics lang mula sa kantang ito ang binabanat. May rebuttal nga e. Sumbat dito, sagot doon. Away mag-partner na nahaluan ng patawa. Ayos yan, ang mabigat na argument, gumagaan.

Nakakaloka lang. Sarap lang pakinggan at balikan ang mga ‘to. Hindi kumulupas, hindi kumo-corny. Ayos! Saktong pang-chill lang.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!