Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 May 2013

Senador agad? Oo, senador agad.

9:06:32 PM | 5/21/2013 | Tuesday

Ang post na ito ay follow-up sequel sa post na Senador Agad? na nailimbag noong May 9, 2013.

Senador agad? Oo, senador agad.

Photo credits: The Spin Busters

Pang-lima sa pwesto ng senatorial race nitong 2013 midterm elections. Kabilang sa political dynasty clan ng mga Binay. Kung may magbibiro pa, marami ang aangal na “luto ang eleksyon, at sunog ang nanalo!” o ‘di naman kaya’y baka tawagin siya bilang “the first black lady senator of the Republic of the Philippines,”

Naku, if I know, yung erpat nga niya ay binansagang “the first Black vice president of the Republic of the Philippines” nitong 2010 presidential elections e. Hipokrito pa ‘tong mga ‘to, sapatusin ko kayo d’yan e!

Tapos na ang eleksyon, pero marami pa rin ang umaangal sa resulta ng naganap na eleksyon. Oo, marami kasing mga Pinoy ay tilang mga tanga. Pero sa kabilang banda, sapat ba ito para pintasan ang kanyang balat?  Hmmm… mas okay pa yata siguro kung makipagtalo tayo ayon sa kanyang mga kakayahan.

Sabi niya dati, as senado na siya makikipagdebate. Kaso ang kabweltahan niyang si Risa Hontiveros, anyare? Dala siguro ito ng mga tinatawag na “white vote” at Team Patay movement, kaya ayun, out of the senatorial race,

Ngayon na puwede na siyang makipagdayalogo, sino naman kaya ang sa kanya’y hahamon? Ang dinadamay ng mga meme o funny photos na si Senador Miriam Defensor-Santiago?

Anim na ang babae sa kasalukuyang Senado, at kung tutuusin, lahat sila ay mga nanay. Kaya ang hirap langng slogan ni Nancy na “ang nanay mo sa senado.” Sabagay, kasi naman ang erpat niya ay pangalawang tatay ng ating bansa. Aminin n’yo ‘yan.

Wala raw masama sa pagkakaroon ng political dynasty, ayon sa kanyang panayam sa Mornings @ ANC. Well, naintindihan ko ang punto niya sa usaping ito, kasi may mga angkan o pamilya na tila nasa dugo ang kanilang paglilingkod sa bayan. Kaso, may batas kasi tayo e. Ayon sa ating Saligang-Batas, ipinagbabawal ang “political dynasty.” Kaso ang problema – walang kongkretong bagay na tinatawag na anti-Political Dynasty law sa ating bansa, ang batas na sana susuporta sa isang seksyon ng ating Konstitusyon na naglalayon na ipagbaawal ang mga yun. Sabagay, sino ba naman kasi ang boboto para ipagbawal yun, kung ayon sa palabas na Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, ay 68 porysento ng ating mga public officials ay parte ng political dynasty? Siyempre, sino ba naman sila para maging hipokrito, ‘di ba?

Ang kanyang pagiging personal assistant sa kanyang mga magulang, sapat ba? Hindi. Pero 20 years yun? Ang problema kasi ay para siyang BIMPO o Batang Isinubo ng Magulang sa POlitika. At nakadagdag insulto pa sa kanyang persona ang pagiging “last minute” sa kanyang desisyon para tumakbo sa pulitka.

Pero bakit nga ba siya nanalo? Dahil ba sa sobrang dami ng mga Pinoy na tanga na bumoto sa kanya? Maari, pero nakakaoffend din naman yata yun. E kaso ganun talaga e… truth hurts!

Let’s face it. Karamihan sa mga botante ay nasa masa, classes CDE. At hindi naman lahat ng botante ay gumagamit ng makabagong teknolohiya tulad ng mga social networking sites na Facebook, dahil karamihan as mga ganitong estado ay mas gugustuhin na lang na magtrabaho, unless ang okupasyon nila sa buhay ay maging palamunin o tambay.

Isama mo na diyan ang epekto ng pang-aalipusta. Cyber-bullying ito sa kanyang mga mata, dahil sino ba naman ang hindi tatawag ng ganun o ni salitang “foul,” kung tahasan kang nilalait mula iyong alat hanggang kakayahan mo? At take note, hindi lang sa Facebook at Twitter ito, pati na rin sa mga discussion forums at miyembro ng mga bllogging sites tulad ng Blogspot, Wordpress, Tumblr o kahit Tabulas? Kaya ang kanyang pagkapanalo ay parang isang victory ng isang underdog. At sino ang primerong kontrabida, tayong nang-babash sa kanya. Kaya sino ang nga-NGANGA?

Well, wala na tayong magagwa d’yan. Ang pulitika man natin ay isang malaking KJ o “kupal joke” ayon sa teminolohiya ng rapper na si Bassilyo, suportahan na lang natin at maging mapagmatyag na lang tayo sa mga susunod na kaganapan sa ating bansa. Kasi pag ang mga tao ay hindi nasatisfy sa kanilang binoto, dun lang nila marerealize ang kanilang napakalaking kamalian.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!