11:54:04 PM | 5/9/2013 | Thursday
Matindi ba ang impact ng social media
pagdating sa 2013 midterm elections? Oo naman.
Sa totoo lang, nagsimula ang ganito mula pa
noong 2010 presidential elections, naging venue ng ilang kandidato ang mga
social networking websites na tulad ng Facebook at Twitter.
Pero kung ikukumpara ang 2013 sa 2010,
well, base lang sa obserbasyon ko ha? Mas marami nga ang populasyon ng social
networking media users, pero mataas rin ang porsyento ng mga mababaw na
nilalang. Pero regardless, marami pa rin ang nakikialam kahit papaano which is
a good sign.
Mas nakakapagpahayag kasi ang tao sa
pamamagitan ng mga ‘to sa panahon ngayon. Kulang ang mga naunang teknolohiya na
tulad ng text messaging sa cellphone, mailing groups,discussion fourms at
ultimo ang mga blog sites.
Sa social media, mas naglalahad ang mga tao
pagdating sa kung sino ang iboboto nila sa darating na eleksyon.
Mapunta tayo sa kasalukuyan. Isang private
crisis management firm ang gumawa ng kanilang pananliksik, at nakita ang mga
matutunog na pangalan sa mga kumakandidatong senador, base sa mga mga kumento
at post sa kauuang aspeto ng social media.
Ayon sa Astrolabe, ang 12 senatoriable na
nakakuha na naging parte ng matinding ingay, at nagkaroon ng postibong remark
sa social media ay sina:
·
Eddie Villanueva (Bangon
Pilipinas)
·
Grace Poe (Team Pnoy)
·
Bam Aquino (Team Pnoy)
·
Francis “Chiz” Escudero (Team
Pnoy)
·
Risa Hontiveros (Team Pnoy)
·
Sonny Angara (Team Pnoy)
·
JV Ejercito (United Nationalist
Alliance)
·
Loren Legarda (Team Pnoy)
·
Aquilino “Koko” Pimentel (Team
Pnoy)
·
Cynthia Villar (Team Pnoy)
·
Teddy Casino (Makabayan)
·
Richard Gordon (United
Nationalist Alliance)
Sa statement ng kumpanya, hindi ito galing
sa mga survey. Ito ay base sa mga nakalap na mga statement mula sa iba’t ibang
tao.
Sa negatibong aspeto, may ilang pangalan
din ang naging kapansin-pansin. Base sa kanila, sila Gordon at Legarda ay
binabrand bilang “political butterflies,” at sila Casino at Hontiveros bilang
mga “leftist.”
Si
Villanueva naman ay dahil sa di umano’y palagiang paggamit ng pangalan ng
Diyos. Kunsabagay, dapat nga may linyang namamagitan sa mundo ng pulitika at
relihiyon, ‘di ba? Which means hindi na dapat idinadamay ang relihiyosong bagay
sa mga bagay na may kinalaman sa pamumulitika.
Minsa’y napuna din si Villar dahil sa
kanyang remark sa mga “room nurse.” Si Aquino, political dynasty aang inuugnay.
Oo nga naman kasi, kala ko ba ay ayaw ng ibang Aquino yan? Si Poe, tatak FPJ
daw. Natawa nga lang ako sa hirit ng isang Senyora Angelica: “Bakit hindi ka na
lang ba mag-action star?”
Pero sila Jack Enrile at Nancy Binay naman
ang mas umaani ng mga negatibong remark. Teka, hindi yata pwede kay Enrile yan
ha? (Nakiuso lang sa mga kumento sa Facebook e. LOL!) Anyway, kay Binay? Hindi
na ako magtataka. Ikaw ba naman ang may tanging record na “personal alalay” ng
iyong mga magulang, naging ambisyosa sa pananaw ng ilan (dahil ang taas naman
kagaad ng hangad mong posisyon), at isama mo na rin pala ang pag-iwas mo sa mga
debate hangga’t hindi ka pa nananalo… ‘di ba?
At yan ang patunay na matindi talaga ang
epekto ng social media sa ating lipunan, lalo na’t darating na ang eleksyon.
Sources:
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!