11:32:33 PM | 5/8/2013| Wednesday
Minsan habang napasimba ako, narinig ko sa
sermon ng isang pari ang tahasang pagkontra niya sa RH law (na isa pa lang
panukala na’t tawag nun ay RH Bill) noon. Narinig ko pa ito sa ibang mga misa
sa iba’t ibang mga simbahan sa mga nagdaang linggo. Lumala pa yata noong
naipasa ang itinuring nilang RH Bill. Naging tila mas subjektibo ang
panghuhusga.
Teka, wala sanang masama, dahil tayo naman ay
nasa pagiging demokratikong bansa. Kaso…
Akala ko ba may separation of the church and
state? E bakit nakikialam pa rin sila sa mga pangayayari sa ating gobyerno,
lalo na’t nalalapit na ang panahon ng midterm elections?
Akala ko rin e.
At uso pa rin ba talaga ang “separation of the church
and state?” Lalo na’t may isang senatoribale na tahsaang kumokontra at hindi
kumikilala dito. Akala ko ba ay ginagalang ng isang mambabatas ang
Saligang-Batas? E bakit ‘to, hindi yata? Sabagay, opinion niya yun e. Kaso,
anak ng pating naman, ang batas ay batas, at dahil pa ri’y sundan. Ayan sa
hindi kakasunod natin, kaya tayo nakatengga sa kinalulugaran natin magmula
noong nakalya tayo sa diktadurya e.
Mantakin mo ha? Kaliwa’t kanan ang paghayag
nila ng mga manok nila na kandidato sa darating na eleksyon. Endorso dito,
batikos doon. May Team Patay at Team Buhay pa nga na ginawa ang isang simbahan
sa kabisayaan e. Tumutukoy ito sa mga kandidato na susuportahan nila at dapat
na suportahan ng tao sa darating na halalan. At siyempre, sa kabilang banda may
batikos na parte ang simbahan ukol diyan – at ito ay pumputakte sa Team Patay,
ang mga tao na hindi dapat iboto sa darating na eleksyon nang dahil sa tumulong
sila na maipasa ang reproductive health law.
Ganun? Ang babaw yata ng dating nito ha?
Pero may block voting man na magaganap o wala,
ano ba talaga ang signipikasyon ng mga ‘to? Nagsisilbi lang sila bilang mga
gabay sa mga botante sa darating na eleksyon. Okay sana e. Kaso, dalawang bagay
lang: gaano nito maapektuhan ang pagboto ng mga mamamayan sa national level?; At
labas na dapat sa usaping pulitikal ang simbahan, e bakit pa rin sila
nakikialam?
Ayon sa isang artikulo na may kinalaman sa
pag-regain ng kapangyarihan ng Simbahan sa Pulitika ng bansa, magmula pa nga
noong panahon ng pananakop ng mga Espnayol ay nagkaroon ng matinding
kapangyarihan ang Simbahan dito sa bansa. Sobrang tindi lang niyan,
naimpluwensyahan na ng mga prayle noon ang aspetong pulitikal ng mga mananakop.
Kabilang na d’yan ang pagbuwag sa rehimeng Marcos noong 1986 sa pamamagitan ng
People Power, at isama mo na rin pala ang kaumtikan nang hindi pagpasa ng Rizal
Law noong dekada ’50. Kinontra ng simbahan ang panukala na ito noon dahil
sinu-sino ba ang kinalaban ni Rizal, (pati na rin ng ibang rebolusyonaryo)?
Ayon kay Edna Co, isang political scientist, "There is a line drawn between your faith and a social issue: that is how a lot of Filipino Catholics think." Aniya, matitinong nilalang pa rin naman ang mga Pilipino kahit hindi sila ganun
ka-obedient sa mga turo ng Simbahan.
Nakapagtataka lang. Pagpalain kayo nawa.
Sources:
author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!