Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 May 2013

#ThrowbackThursday


2:14:52 PM | 5/23/2013 | Thursday

2013 na nga, pero sarap balikan ang panahon no? Akala mo twing Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo ka lang makakapagsenti ukol sa mga old school na bagay? Akala ko rin e.

Isa akong batang 90s, kaya huwag ka nang magtaka kung ilang taon na ako. Pero sa halip na makiuso ako sa mga nauusong bagay ngayon. Mas nasasarapan pa kong tanawin ang alaala ng nakaraan, noong panahon na marami pang sitcom sa gabi kesa sa telenobela, na ang Fiesta carnival ang pinakamalapit na aliwan, at ang palabas sa COD Cubao ang pinakacheapest form ng quality entertainment (yan ay kung wala ka pang pang-sine pag Christmas). Walang digicam, modernong cellphone noon at ang Beeper, Tamagotchi at Viewmaster pa ang mga gadget nun. Wala pang mp3 at DVD at ang Betamax, Cassette Tape at ultimo ang Laser Disc pa ang mga patok na bagay noon. Pero buti na lang, narito pa rin sila. At kung wala man, may mga litrato pa rin na pwedeng ipaskil sa Facebook at sabihing “buti na lang, naabutan ko ang mga ‘to.”

O minsa'y mas okay pang magbalik-tanaw sa mga video ng palabas na napapanood mo nun (pati ultimo ang mga commercial) sabay i-tweet sa Twitter na may hashtag na “#ThrowbackThursday.”


Isa sa mga nauusong trend sa panahon ngayon ay ang pagpopopost ng mga lumang bagay, mapa-litrato man o video. Ang tawag ng ilang mga user sa Twitter, Facebook, at Instagram sa mga ito ay “throwback.” At madalas itong ginagawa ng mga tao pag araw ng Huwebes, kaya nagsimulang mag-exist sa kamalayan ng social media ang hashtag na #ThrowbackThursday.

Madalas ang nilalaman ng mga ‘to ay ang mga mala-nostalgic na larawan, tulad nang kung gaano ka ka-kyut noong bata ka pa, o kung gaano kalinis ang itsura ng Kalakhang Maynila noon, o ‘di naman kaya ay mga lumang poster ng mga pelikulang Pinoy (yung mga black and white pa talaga at mala-handwriting ang pamamaraan ng lettering) na madalas mong mapansin sa column ni Danny Dolor ng Philippine Star na Remember When?

Madalas ay kung gaano pa kahaba at kulot ang buhok mo, o yung tipong huli sa akto na umiyak ka habang hinahabol ang kaasaran mo na may hawak na bote ng softdrink. Pwede ring yung mga alaala mo kung ano ang feeling mo nun noong una kang napunta sa Enchanted Kingdom, o sa Baguio. O noong graduation mo kung saan ay mas maliit ka pa sa utol mong pandak. O kung anu-ano pang mga litrato mo noon. Kung ano ang itsura ng ex mo, o ng asawa mo bago mo pa siya nakilala.

Kung masugid ka naman na tagahanga ng mga blogs tulad sa Definitely Filipino, si NoBenta ang una mong mapapansin sa mga ganitong bagay, kontrobersiya sa muika, konsytero, mga balitang mas mainit pa sa nagbabagang magma noon at iba pa.

Pero may significance ba ang pagpapaskil ng mga larawan at ituon ito sa araw ng Huwebes? Oo naman. Buti nga nauuso ang ganito, mas okay na ‘to kesa sa kasalukuyang kababawan ng mga tao ngayon no!

‘De. Maliban kasi na masarap aliwin ang mata, utak at kamalayan sa pagtanaw sa mga Throwback na bagay, e may aral na dapat tayong matutunan dito. Yan ay ayon sa isang historian na si Jonathan Balsamo noong nakapanayam iya ng GMA News reporter na si Bam Alegre.

Minsan nga lang, mapapaisip ka. Ang bilis ng panahon no? Tara post na. Maalala ko ngapala, Throwback Thursday pala ngayon.

Panoorin ang Throwback report sa video na ito mula sa GMANews account ng YouTube.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!