12:59:59 PM
| 5/12/2013 | Sunday
Babala: Basa-basa din bago magreact. Huwag manghusga
kung tatanga-tanga ka rin lang naman at kung nasapul ka sa iyong kalokohan.
Napapanahon
na naman ngayon ang pagpapkita ng pagmamahal sa kanilang mga ina. Walang masama.
Well, sa totoo lang, wala sanang masama.
Kaso, maliban
na lang kung ang mga kilos at galaw mo sa panahon ay nakabase sa mga post sa
Facebook. Kung ang pagpapakita mo ng pagmamahal sa iyong ina ay pang-show off
lang. Masabi na nakikisakay ka sa uso, pero hindi naman ito pinapatoo pag nag
log-out ka ng iyong Facebook. Parang... ito.
ablogofmymusingsandramblings.wordpress.com |
“Like If You
Love Your Mom.”
Ano ang
problema sa ganito? Maliban sa stratehiya ng ilang mga page admin sa Facebook
para lang bumenta ang mga post nila, e dito nakikita kung totoong mahal ba nila
ang kanilang ina o sadyang nakikiuso lang. Pustahan ang iba diyan ay parang
yung sinasabi sa litratong ito:
https://www.facebook.com/anyarenews |
Ahh, lakas
mong maka “I love you mom,” pero pag inutusan ka ng gawaing-bahay, lakas mo
ding mag-inarte para umayaw ha?
Ang lakas
mong maka-I Love You Mom sa Facebook , pero grabe kung makasumbat sa kanya pag
nag-ge-girl talk o pag
nagkakaroon kayo ng maboteng usapan ng tropa niyo ha?
Ang lakas
mong magpaka-show off pero ang lakas mo ding bumira ng malutong na “putanginamo”
ha?
Sino kaya
ang niloloko mo? Kami ba? Ang sarili mo ba? O ang iyong ina na lagi mong
ginagawang subject sa mga post mong yan?
Tao lang
naman e. Oo, tao nga, pero alalahanin mo na hindi kami tulad mong supot ang
utak para umintindi sa palagian mong pagkakamali at pagiging hipokrito. Iba ang
nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa pagiging aktor o aktres oara masabi lang
na “I love my mom.” Magkaibang-magkaiba talaga yun.
Be real,
mahalin mo ang nanay mo ng totoo. Hindi base sa “like if you love your mom”
post sa Facebook.
Happy mother’s
day!
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!