Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 May 2013

Tirada Ni SlickMaster: K to 12

5/23/2013 3:45:40 PM 

 Photo credit: sci-marinduque.blogspot.com
Ang K-12 education system, isang programa na nagpabago sa sistema ng edukasyon mula sa dating 10 taon, ay naisabatas na matapos itong pirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino kamakailanlang.

Ngayon, ano na? Ano ang signipikasyon nito sa panahon ngayon? Nahuhuli na raw kasi ang Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon e. Sa totoo lang, mula noong nakalaya tayo sa diktadurya, ang edukasyon ay isa sa mga bagay na ineechapwera ng lipunan. Naging isa rin ito sa ugat ng diskriminasyon sa iilan.

Pero ang tanong, paano ito magiging epektibo? Mas napapagtuunan pa yata ng pansin ang iba pang mga bagay kesa sa edukasyon e. At handa nga ba talaga tayo?

Kung tutuusin, maraming pampublikong paaralan ang kulang-kulang sa silya, libro, klasrum at iba pang mga gamit. Ang iba, masyadong malayo mula sa sibilisasyon, inaabot ng ilang oras ng paglalakad, pagtawid ng ilog, bundok, at kagubatan marating lamang ito. Ang mga pribado naman, tumataas ang matrikula, nagiging ehemplo pa ng mas maraming mga bully, at tila sa kanila lang ang nabibigyan ng mas magandang prayoridad sa buhay. Well, wala naman sanang problema sa parte nila.

Kaso sa panahon ngayon na karamihan ay mahihirap, “dagdag gastos” ang kanilang unang litanya sa isyung ito. Idagdag mo na d’yan ang katotohanan na karamihan sa mga estudyante ay tamad at panay landian na lang ang ginagawa sa eskewlahan. Pero huwag na tayong lumihis.

Well, sa kabilang banda, maganda naman ang isturkturang ito. Ayon sa Official Gazette ng Republika ng Pilipinas…


The K to 12 Program covers Kindergarten and 12 years of basic education (six years of primary education, four years of Junior High School, and two years of Senior High School [SHS]) to provide sufficient time for mastery of concepts and skills, develop lifelong learners, and prepare graduates for tertiary education, middle-level skills development, employment, and entrepreneurship.

Bagay na kailangang-kailangan natin, lalo na’t isa ang ating bansa na sobrang napag-iiwanan na. Hindi naman siguro sa sobrang bulok, kaso kailangan din na makasabay ang bansa natin sa iba. Lalo na’t kilala tayo bilang isa sa mga competitive na mga nilalang sa international community.

Pero sa malamang, mahabang panahon ang gugugulin para masabi na ang K to 12 education system ay epektibo. Maraming adjustments ang magaganap sa part eng mag mag-aaral at paaralan. May proyekto pa nga na ginagawa ang DepEd para sa mga magiging sikolar at titser ng programang ito.

REFERNCES:

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr. 

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!