11:43:21 PM | 5/28/2013 | Tuesday
Hindi na imbitado sa darating na William Jones Cup ang
defending champion team nito na Gilas Pilipinas.
Saklap ba? Oo, napakasaklap. Defending champion ka tapos
ieechepwera na lang sa pagkakataong ito? Parang instant way para sa
championship ang magiging dating nito ah. Kasi walang threat sa daanan nila,
walang defending champs, kaya all-for-that-one ang labanan d’yan.
Ang champion na Gilas at ang isa sa mga MVP ng torneong ito
na si LA Tenorio? Ayun lang. malaking dagok talaga ito considering na gusto
nila mai-scout sa paraan na ‘yun ang mga koponan na susunod nilang harapin sa
mga susunod na international competition. Pero sa kabilang banda, mas magiging
focus naman ang Gilas sa pag-ensyao niyo sa darating na FIBA-Asia wars.
Kaso, ano ba ang dahilan kung bakit hindi sila naimbitahan?
Dahil sa namumuong tension sa pagitan ng bansang Taiwan at Pilipinas. Dahil sa
diumanong pagpaslang ng mga kawani ng Coast Guard sa isang mangingisda mula sa
kanilang bansa.
Ganun? Parang nakakaloka naman yan. Lahat na yata ng
precautionary measures ng Taiwan
e binato na nila sa Pilipinas, mula pagfreeze sa mga magiging OFW hanggang sa
Red Travel Advisory. Samantalang pag may nasawatan tayong mga fugitive na may
nasyonalidad na mula sa kanila, e parang kibit-balikat lang.
Pambihira. Sinasabi kasi na baka hindi maawat-awat ang
tension ng mga tao dun, lalo na’t minsa’y may nasugatan na Pinoy sa pagsugod ng
mga kabataang Taiwanese sa dormitoryo ng mga OFW? Sabagay, baka naisip ko lalo
na kung magharap sa hardcourt ang dalawang bansang ito. Matino nga ang outcome
ng mga manlalaro pero ang mga fans nito, hindi. Patay tayo d’yan!
Security-wise ba ang usapan? Siguro, pero ano bang silbi ng
kanilang otoridad, lalo na’t mas disiplinado pa naman sila at hindi
nagpapanggap na ignorante pagdating sa pagkilala sa batas at alagad nito?
Well, wala tayong magagawa d’yan. Unless kung gusto mong
gumanti ang Pilipinas, e huwag silang isama sa alinmang bracket ng gaganapin na
FIBA-Asia Championship na gaganapin sa Maynila sa darating na Agosto. Kaso,
masyado naman yata tayo niyan. Weh, hindi kaya. They should get what they
deserve. Lechugas!
Pero, hayaan na lang natin mag-usap ang mga diplomatiko
d’yan. Malay mo, maiba pa ang maging desisyin, ‘di ba?
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!