6:03:13 AM | 4/5/2013 | Friday
Sa aking pagmamasaid sa nakalipas na ilang buwan, ito ang
karaniwang laman ng mga blog sites. Kung hindi love stories, mga sex stories.
At kung hindi sex stories, mga kwento ng OFW. Pero sa lahat ng nabanggit, ito
ang trip kong basahin.
Pero bakit nga ba ganun? Maraming Pinoy ang namumuhay sa
iba’t ibang panig ng mundo. In fact, sa mga nakalipas na taon lang nabigyan ng
kahit papaano ay saktong exposure sa media ang mga kwento ng OFW. Nariyan ang
madalas kong panoorin sa AksyonTV na Buhay OFW, isama mo na rin ang ilang mga
palatuntunan sa radyo at telebisyon na tumatalakay sa naturang paksa.
Ang mga kwento ng mga Overseas Filipino Workers ay isa sa
mga underrated pero matitimbang na mga kwento na makikita mo. Ewan ko lang kung
mayroon man o ilan (kung meron talaga) ang libro na tumatalakay sa mga
karanasan ng isang Pinoy na dumayo sa ibang bansa para maghanap-buhay. Ang alam
ko, isa sa mga ito ay ang Sindi Ng Lampara na akda ng ilang mga kaibigan ko sa
Definitely Filipino, sa pamumuno nila Jovelyn Bayubay at Raquel Padilla.
Sa kabila ng pagpansin sa mga kwento ng OFW, nakalulungkot
lang isipin na may nagsasabing binebenta ng mga ‘to ang kwento nila sa madla.
Napansin ko yan sa isang thread sa Facebook na may kinalaman sa paksang ito.Wala ako sa posisyon na humusga sa kanila kaya hahayaan ko na lang sila na makipagtalo ukol d'yan.
Sa kabilang banda, mas iisipin ko na mas gusto ko pang
tangkilikin ang ganitong klase ng kwento kesa sa mga sobrang tipikal na love
story. Mas naglalarawan ito ng kasiyahan at kapighatian ng taong namumuhay sa
ibang lupain. Dito mas nasusubok ang tunay na katauhan at buhay ng isang
Pilipino, kesa sa paulit-ulit na mala-telenovelang kwento ng bwakananginang
pag-ibig na yan. May nauuwi sa trahedya, at mayroon rin namang nagsisilbing
inspirasyon. Pareho silang kinapupulutan ng aral, tulad ng:
- Hindi madali ang makipagsaparalan sa ibang lugar, sa hindi pamilyar na teritoryo, sa lugar na posible mong ikapahanak kahit gaano pa kabuti ang intensyon mo, sa bayan na naglalarawan sa kultura ng ibang tao, para lang makapaghanap-buhay ka para sa iyong pamilya at maiahon sila sa kahirapan.
- Hindi kailanman madaling kumita ng pera, ke dito ka man sa Pilipinas o sa kung saang panig ng mundo ka pa.
- Hindi sa lahat ng oras ay maibabahagi nila sa inyo ang kanilang salapi. Hindi porket kumikita sila sa ibang bansa e mayaman sila. Hindi sila ATM sa bangko na 'pag kailangan mong mag-withdraw e agad-agad mong makukuha. Kayo kaya ang magtrabaho, lumayag sa ibang lupain at karagatan, na tila mabubugbog ka sa mga pangyayaring hindi parte ng iyong kagustuhan, sa halip na maging tambay ka d'yan sa kanto at panay kain-tulog-panunood ng TV-at-pagsasariling-sikiap ang inaatupag? Sa madaling sabi, huwag mong iasa ang luho mo sa kanilang nasa abroad.
- At higit sa lahat, hindi madaling mabuhay sa ibang bayan (kung tutuusin kahit dito sa sarili mong bayan e.)
Para sa akin, ito ang tunay na kwento sa makabagong panahon. Hindi mo sila
makikita sa pocketbook o ni sa mga palatuntunan na kung tawagin ay "teleserye." Ang kailangan mo lang ay
magbasa ng mga kwento sa mga piling website na tumatalakay sa mga ganito, at matutong intindihin ang mga binabasa bago magreact.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!