9:29:55 AM
| 5/6/2013 | Monday
Isang
maikling patustada lang ngayong halos pitong araw na lang ay mideterm elections
na sa Pilipinas.
Hindi ko
lang ‘to magets. Isang tumatakbong senador, pero ayaw makipag-debate sa
harap ng publiko at media? Seryoso?
As in hindi
tinanggap ni Nancy Binay ang hamon ng isang Risa Hontiveros para
makaipag-dayalogo sa harap ng publiko. Aniya, ang nais ni Binay ay magkaroon
muna siya ng pwesto sa Senado bago makipagdakdakan at talakan sa sinumang gusto
na makipagtalo sa kanya. Ano ‘to, naduduwag dahil baka wala siyang masabi na
parang rapper sa mga battle league na tulad ng FlipTop na biglang napachoke at
mabalangko ang utak habang nagpeperform ng kanyang mga banat?
Ayos sana
yun, kasi gusto niya ipakita na mas gusto pa niya magtrabaho ng tahimik kesa sa
makipagtalo pero wala namang nagagawa, tulad ng mga ilan sa mga nakaupo sa Sendao
mula pa noon hanggang ngayon (kelangan pa bang mag-name drop?).
Pero sa
kabilang banda kasi bakit ka lang din tatahimik? Alam ko na maimbang ang
kasabihang “mas matimbang ang gawa kesa sa salita.” Pero ito ang panahon ng
panganagmpanya, panahon para may maipakita ka. Panahon para ipagyabang mo ang
dapat mong ipagyabang, kung meron pa maliban sa pagiging anak at personal assistant
ng Bise Presidente. Kung kwalipikado ka talaga, malamang, maraming tao ang
huhusga sa iyo. Ngayon, ito ang panahon para patunayan mo, hindi lang ang
gumawa ng patutsada na “kwento niyo sa pagong,” este, “file a disqualification
case” sa COMELEC.
Naalala ko
ang isang satirikal na artikulo sa sowhatsnews.com na ginant ng korte sa Makati
ang isang TPO o temporary restraining order na naglayon na hindi magpartisipa
si Binay sa anumang diskusyon sa panahon ng eleksyon.
Pero dahil
nga satirical at “fake news” lang naman ang nilalaman ng naturang artikulo na
aking nabanggit sa previous paragraph, hindi na ito kelangan pang pautlan. Basta
ang katotohanan lang d’yan ay ayaw talaga ni Binay sa debate.
Kung ayaw
mo, ‘wag mo. Pero good luck sa panghuhusga ng tao, lalo na’t kalat ang isang
research na naglalaman ng mga matutunog na pangalan ngayong darating na
eleskyon.
Ano na
naman yang nabanggit mo huling paragraph, slick? Antabayanan sa aking mga susunod
na pasada ng mga tirada ngayong halalan!
Sources:
- http://sowhatsnews.wordpress.com/2013/04/20/court-grants-nancy-binays-tpo-petition-against-debates/
- http://ph.news.yahoo.com/candidate-face-off--nancy-binay-turns-down-hontiveros-debate-dare-090946069.html
- http://newsinfo.inquirer.net/388661/mahiya-ka-naman-hija
- http://www.rappler.com/nation/politics/elections-2013/26142-nancy-binay-qualifications-debate
- http://newsinfo.inquirer.net/398813/nancy-binay-still-wont-do-debates
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!