25 June 2013

Alaala Ng Isang Alamat: Michael Jackson

2:27:01 PM 6/25/2013 Tuesday

Ika nga ng Word Of The Lourd, sadyang maiksi ang shelf life ng mga bagay na may kinalaman sa popular na kultura. Kung mabilis itong lumutang, mabilis din itong lulubog. Kaya ang tanong natin ngayong araw, naalala mo pa ba ang isang alamat ng popular na musika? Sino ang tinutukoy ko? Ang mamang ito lang naman.

Parang kelan lang ano? Naalala ko nun, mag-tse-check pa lang ako ng e-mail ko nun sa Yahoo nang tumubad sa harapan ko ang headline na may kinalaman sa biglaang pagkamatay ni Michael Jackson. Kasabay rin nito ang pagcehck ko sa Fcebook at agad tumumbad sa aking news feed ang sandamukal na mga post na may kinalaman rin dito.

Pero bakit nga ba naging trending ang balita ng pagkamatay ni Michael Jackson? Aba, isang batikang singer/songwriter/entertainer/controversial icon ba naman ang namatay e. Pero, bakit nga ba ganun?
Dapat kasi ay may isa pa siyang konsyerto na gagawin nun sa London sa taon na rin na iyun. Ang THIS IS IT. Naging isang documentary-musical ang ilang mga clip sa kanyang rehearsal. Naipalabas ito noong Oktubre 28, 2009 sa buong mundo. At naalala ko nga na napanood ko pa ito ilang araw bago matapos ang aking semestral break.


Sa tindi ng impact ng balita ukol sa kanyang pagakmatay, sari-saring mga tribute ang ginawa ng mga programa sa mga isatsyon ng radio. Naalala ko nun na alas-tres o alas-kwatro din ng hapon na iyun ay umere si Big Daddy Jake ng Magic 89.9 at pinatugtog ang halos lahat ng kanat ni MJ noong sumikat pa siya noong dekada ’80. Sakto rin kasi na araw din ng Biyernes ang oras sa Maynila noong pagkamatay niya (o kung June 25 sa America nun, 26 na dito sa Pilipinas).

Sinaksihan din ng karamihan ang huling funeral service para sa namayapang mag-aawit sa Staples Center sa Los Angeles, California. Madaling-araw nga lang yun para sa ating Pinoy.

Pero anu-ano nga ba ang nagawa ng mamang ito sa buhay ng halos bawat music lover sa buong mundo, na tulad ko? Marami.

As in marami siyang nalikhang kanta at komposisyon, narating ng kanyang musika ang samu’t saring mga lugar at bilyong mga tao mula sa iba’t ibang mga kabihasnan. At kahit sa gitna ng mga kaliwa’t kanang kontrobersiyang binabato sa kanya, patuloy pa rin siyang nananalytay sa dugo at tunog ng mundo ng popular na kultura. Kahit sabihin pa ng iba na mukha na siyang skeleton dahil sa sakit niya sa balat na Vitiligo  (na nagpaputi ng husto sa kanya) samahan pa ng isang pares ng shades.

Kung tutuusin, naalala ko nun ang cassette tape ng pinsan ko, na panay mga awitin ni Michael Jackson ang nilalalaman. Mula pagkabata niya hanggang dekada ’90. Lagi itong punapatugtog ng erpat ko sa sasakyan.
Apat na taon na ang lumipas. Nakikita ko pa rin ang mga album niya sa mga record bars. For sale na nga e. Subalit, pustahan, bihira na lang ito maalala ng tao. At kung negatibo pa ang tingin mo sa buhay, baka ito pa nga ang maisagot mo.

Interviewer: Sino si Michael Jackson para sa iyo?
Interviewee: Ah, siya yung nangmolestiya ng bata, di ba?

Pero parang sobra naman yata yun.

Sa kanyang pagpanaw, sumama na siya sa mga tulad ni John Lennon, Elvis Presley at mga taong naturingan na mga alamat ng musika sa panahon ng kasalukyan. Mga legendary contempopary music icons, ika nga.

Pero, kasabay ba ng kanyang paglisan ay namatay din ba ang tunay na pop music? Sa tingin ko, hindi pa.
Pero sa tingin ko, wala nang hihigit pa sa mga naiambag niya. Hindi lang kasi sa iisang tema umiikot ang kanyang kanta. May pagkakataon na nakagagawa siya ng mga musika na nagsisilbing pamulat ng mata ng tao sa kanyang realidad ng ginagalawan.

Long live the king of Pop!


https://www.facebook.com/theslickmaster28

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



1 comment:

  1. I like it! I'm a loyal fan of him. Thanks for making this page. Very helpful! Godbless you ;)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.