Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 June 2013

Anyare Manila?

1:59:18 PM | 6/24/2013  | Monday

Araw ng Maynila ngayon. Kaso, anyare na?


Unang nakilala bilang Ginto or Suvarnadvipa  sa mata ng kanilang mga kapitbahay. Naging Kingdom of Maynila noong kapanahunan na naparito na ang mga Instik sa Pilipinas. Ang tondo ang capital ng naturang lugar noon. Pero, fast forward tayo ng konti.

Inestablish bulang isang lungsod at kabisera ng bansang Pilipinas noong 1574, sa pamumuno nun ng isa sa mga conquistador ng Espanya na si Miguel Lopez de Legazpi. At ang tinutukoy nila na Maynila nun ay ang mga lugar na nakapaligid sa tinatawag na “walled city” nun na Intramuros. Naging imperyo din ito ng mga Briton sa loob ng 2 taon mula 1762 hanggang 1764, o sa kalagitnaan ng digmaan sa pagitan ng Espananya, Pransya at Inglatera.

Fast forward ulit tayo, sa 1900s. noong panahon naman ng pananakop ng mga Amerikano, ginawan ng arkitektura ni Daniel Burnham at pinaganada ang lungsod ng Maynila. Subalit noong ikalawang digmaang pandaigdig, binomba ng mga Hapon ang naturang lungsod, yan ay sa kabila ng deklarasyon ni Heneral McArthur na “open city” ang Maynila nun.

Pero, nakalipas ang mga pananakop ng dayuhan, anyare sa Maynila?

Una naging alkalde (sa pamamagitan ng eleksyon) ng naturang lungsod si Arsenio H. Lacson. Dati kasi ay ina-appoint ang mga ito. Sa kanyang panunungkulan, nagbago ang imahe ng lungsod. Aniya, naging “Pearl of the Orient” muli ito. Pagkababa ni Lacson sa dekada ’60 ay, nahalal naman si Antonio Villegas. At kasunod naman niya ay si Ramon Bagatsing, ang may pinakamahabang panahon ng panunungkulan sa lungsod ng Maynila. Sa loob ng 34 na taon, ang 3 alkalde na ito ang namuno, kaya sila tinaguriang “Big three.”
Anyare Manila?

Sa kabila ng mataas ng lipad ng Maynila, nagiging isa rin itong pugad ng kahirapan sa ating bansa. Dalawa ang mukha nito, at ang isa ang tila pinkasentro ng pelikula at akdang Maynila Sa Kuko ng Liwanag.
Maynila, anyare na?

Kasabay ng pag-asenso ng Pilipinas nun ang pag-usbong din ng Maynila. Kaso kasabay naman ng pagkalugmok ng ating bansa, e halos ganito rin yata ang nangyari sa kabisera. Mula noong nakalaya tayo sa dikaturya ni Macoy.

Mantakin mo, sa halos buong buhay na pagparito at paroon ako sa lungsod ng Maynila, ito ang iilang bagay na aking napansin.

Lupain pa rin daw ng mga siga ang Tondo. Hindi nga basta-basta masupil ng otoridad ang mga katulad ni Nicasio Salonga at Totoy Golem noon. Pero sa mata ng maralita, si Asiong ay parang “Robin Hood.” Pero, hindi naman lahat ng mga taga-Tondo ay tulad din ng tingin ng iba na “maraming tarantado,” no.

Literal na isang maganadang “bay” ang Baywalk nun sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Kasama na rito ang mga puno ng niyog. Nagkaroon man ito ng buhay, sa panahon lamang ito ni Lito Atienza. Subalit sa panahon ni Lim, disiplina ang kanyang pinairal. Wala rin namang masama dun sa ginawa ni Lim. Kaso, mas matitindi pa yata ang mga criminal sa ngayon kesa sa mga alagad ng batas. Samahan mo pa ng mga abusadong pulis na nagpe-frame up sa mga pobreng nilalang. Hulidap ba.

Marami pa namang mga antigong gusalisa Maynila na buhay, tulad ng simbahan ng Sto. Niño sa Tondo, Manila Cathedral, San Agustin at San Sebastian. Isama mo na rin ang mga establiysamento ng gobyerno tulad ng City Hall ng Maynila, at iba pa.

Ang Quiapo ay mas naging sentro ng komersyo. Kaso, pirata ang madals na produkto. sa pananw siguro ng isang relihiyosong tao, tila nawawala na rin ang essence ng lugar na yun dahil sa nilolooban ng mga mandurukot ang lugar at ninanakawan ang mga patron na nagsisimba rito.

Subalit, kung buhay pa man ang mga gusali dun, patay naman ang iilan. Tulad ng Metropolitan Theater. At pati pa naman mga estatwa, chinop-chop na rin? Matapos kong mapanood ang ulat ni Fiona Nicholas sa newscast nila na Andar ng Mga Balita, kulang na lang ay nakawin ng buo ang ilang mga rebulto sa Manila Bay, kasama rito ang istatwa ni Aresnio Lacson. Tsk! Dumumi na nga ang lungsod, ninanakawan pa ng mga rebulto. Hala!

Wala nang palabas sa Avenida. Ayon sa isa sa mga episode ng palabas na Kwentong Kanto (at host pa noong panahon nay un ay si Carlos Celdran), isang lugar ng mga tanghalan nun ang Avenida. Maikukumpara pa nga yata ito sa mga modernong lugar ngayon sa Kalkhang Maynila.

Dati kahit papaano ay may madadaanan pa ang mga sasakyan sa Divisoria. Ngayon, ewan ko na lang.
Maraming mga magagandang tanawin nun sa lungsod ng Maynila. Pero natigil lang ito noong nagsimula nang maglipana ang mga iskwater o “informal settler.” Unti-unting nadumihan ang anyo nito, unti-unti ring lumumulubog ang lupa (kung tama ba ang pagkakabasa ko sa ilang mga balita na may kinalaman sa climate change), unti-unti na ring dumarami ang mga barbaro. Nakababahala lang.

Anyare, Maynila? Napaglipasan na yata tayo ng panahon ha?

Sources:

author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!