Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 June 2013

Drunken Law

9:09:40 PM | 6/17/2013 | Monday

Isang batas na naman ang pinirmahan ng ating pangulo nitong nakaraang Mayo 31, 2013. Ito ay ang Republic Act 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Ano, batas na pangontra sa mga siraulo na nagmamanaho ng lasing o lango sa droga ba? Oo nga.

Ang sinumang lalabag daw sa batas na ito ay posibleng maharap sa tatlong buwan na pagkakakulong, katumbas ang multa na maaring umabot sa mahigit 80 libong piso, isang taon na suspensyon ng lisensya, o ang permanenteng pagkatanggal nito.

Mas matindi pa kapag may masama pang nangyari pa sa kinasangkutang aksidente sa kalye. May maximum fine ng 200,000 piso kapag nagtamo ng physical injuries ang nabiktima, at kalakating milyon naman pag may namatay.

Gan’on katindi ‘to? Oo.

Pero kailangan ba talaga sa ngayon ang batas na ito? Ganun sana, lalo na sa panahon na kahit sinong tarantado ay basta-batsa na lang humaharurot sa kalsada. Bago kasi naipanukala ito, aba’y karamihan sa mga aksidente sa kalye, ang mga sangkot na drayber ay lango sa ispiritu ng alcohol na inumin. Kaya tuloy ang magangda imahe ng mga tulad beer, gin, vodka, at iba pa, nadudumihan dahil sa mga gagong ‘to na hindi lang nilalagay sa utak ang alak, pati na rin sa manibela at pedal.

Wala rin kasi tayong batas na maihalintulad nun sa batas na Driving Under the Influence o DUI, bagay na mayroon sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos.

Maliban pa d’yan, kelangan mapagdaanan ng sinumang ungas ang mga bagay-bagay na dapat matutunan ng isang “tunay na drayber,” tulad ng mandatory alcohol and chemical testing para sa kanila. Alam mo, kung maari lang, pwede rin sana isama dito ang breath analyzer test, yung ilang mga disiplina na ginagawa ng mga pulis sa mga mahuhuling lashing na tsuper na tulad ng napanood ko sa isa sa mga dating episode ng palabs ni BITAG na Pinoy US Cops.

Pero ang tanong, maipapatupad ba talaga ito ng maayos? Lalo na’t marami nga tayong batas na naipasa, pinirmahan ng pangulo ng bansa, pero hindi naman ito naipapatupad sa ayos? Sa lipunan kasi na maraming siraulo, sadyang parte na ng ating kultura ang isawalang-bahala ang batas. Uso sa atin ang magbreak ng law at mag-evade kung kakayanin. Mas nanaaig kasi sa atin ang pagiging ignorante kesa sa maging disiplinado. Kaya nga hindi matuto-tuto ang karamihan sa palagiang paalala na “Don’t Drink and Drive” kahit ilang beses na ‘to sinasabi sa mga police beat report.

Yun lang. Patay tayo d’yan!

Hindi. Leche, magingat-ingat na lang ang mga lasingero d’yan.

Source:


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!