Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

07 June 2013

End of Reign

3:56:33 PM | 6/7/2013 | Friday

Nag-resign na si Senator Juan Ponce Enrile bilang pangulo ng kinatawan ng Senado. Nangyari ito sa kahuli-hulihang pagpupulong ng ika-15 Kongreso, nitong nakaraang araw lang.

Aniya, ang 1,661 araw ng paglilingod ng isang 88-taong gulang na mambabatas ay tapos na.

Ano ‘to? Dahil sa katandaan? Hindi.

Dahil sa “gusto n’ya ay happy tayo?” Hindi rin.

E ano? Dahil sa mga tilang kabaluktutang kinasangkutan n’ya dati? Hmmm, pwede rin.

Ah, okay. Pulitika pala ang dahilan. Ay, hindi rin pala.

“As a matter of personal honor and dignity.” Wow, lakas maka-English ha? Pero malalim ang ibig sabihin niyan (malamang, sa kada talumpati naman nila ay lagi naman may pinaghuhugtuan ang mga nagsasalta na tulad nila).


Sabagay, marami na rin kasing spekulasyon sa estado ng trabaho ni Manong Johnny e. Matagal-tagal na rin ang mga usap-usapan na gusto siyang patalsikin sa pwesto. At noong minsan ay nagtangka na siyang umalis sa kanyang posisyon bilang Senate President, marami ang umayaw.

Pero bakit nga ba itong pagreresign ni Manong Johnny e natuloy na? Dahil sa irrevocable ba ang pag-alis niya sa puntong ito?

Pero, sinu-sino lang ba ang natutuwa sa balitang ito? Si Senador Antonio Trillanes na nahuling nakangisi sa video ng isang news group habang nagtatalumpati si Enrile sa huling pagkakataon? Sino pa ba? Sila Sens. Miram Defensor-Santiago at Alan Peter Cayetano? Asus, tingin naman ng mga tinira ni Enrile d’yan e “drama lang daw yan.” O di naman kaya ay “Dapat hinarap mo na lang ang mga pinaparatang sa ‘yo.”

Ganun? Kahit wala na siya sa pwesto e nagbabangayan at magbabangayan pa ang mga ‘to? Tigil-tigilan na kaya natin ang political drama na ‘to, at hindi naman kasi kayo kailanman maitatapat sa mga nauusong telenobela sa telebisyon e.

Maiba naman tayo.

Sino naman ang papalit sa pwesto niya? Wala pang kongkretong desisyon ukol d’yan,  bagamat si Jinggoy Estrada ang pansamantalang umupo sa nabakanteng pwesto ni Enrile bilang Senate President Pro-Tempore.
Tsismis ay sila Frank Drilon ang posibleng humalili sa upuan niya pag nagbukas na ang ika-16 na sesyon sa susunod na buwan. (o Hulyo 22, 2013 kugn eksaktong petsa ang usapan)

Kaugnay niyan, nagbitiw na rin sa pwesto bilang Majority leader si Senator Vicente Sotto III. Maliban pa d’yan ay possible raw na magkaroon ng “super majority” sa Senado. Bakit ganun? Sa dami ba naman ng kaalyansa ni PNoy sa Senado e, lalo na at karamihan sa mga nanalong senador nitong nagdaan na Midterm elections ay galing sa koalisyon ng kasalukuyang administrasyon.

Pero anyway, tapos na rin naman ang 15th congress, kasabay ng pagresign ni Sen. Enrile. Move on na.

Sources:
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!