12:59:36 PM
| 6/6/2013 | Thursday
1-0 ang
iskor sa laban ng football, pero hindi ang goal ni Younghusband sa ika-33
minuto ang pinaka-highlight ng laro. Kundi ang tahasanag pangungutya ng mga
fans ng Hong Kong National Football team sa mga fans ng Philippine Azkals. Di
umano’y diniskrimina ng mga taga-Hong Kong ang mga Pinoy doon sa Mong Kok Stadium.
“Slaves” ba
ang isa sa mga binitawang masasakit na salita? Binoo habang kumakanta ng “Lupang
Hinirang,” at mas masaklap, pinagbabato ng mga bote (at basura daw?!)
Kunsabagay, mas naasar pa yata sila lalo noong tinalo ng Azkals ang National
team nila. Mas masakit nga, dahil sa sarili nilang bayan pa sila tinalo.
Ano ‘to? Napuno,
dahil sa pagkakataong ito ay nanalo ang Azkals sa Hong Kong? First time lang na
manalo, napikon na kaagad ang kalaban? Pasalamat nga kayo e noong hindi pa
nanalo-nalo ang Azkals sa inyo e hindi kayo nakatanggap ng anumang akto ng
kabitteran mula sa mga kababayan naming porket natalo nyo kami nun ha?
At umangal
na ang FIFA niyan. Aniya, ayaw rin nila sa diskriminasyon e. Zero tolerance ba. Kaya pinagpa-file na ng
report ni Mariano Araneta, president ng Philippine Football Association si
Azkals team manager Dan Palami ukol sa insidente.
Pero sa
totoo lang, walang kasalanan ang koponan ng HK dito. Alam mo kung sino? Ang mga
fans nila.
Masyado bang
sineryoso? Maari, pero mayroon daw malalim na dahilan kung bakit ganun na lang
kahostile ang mga madlang piol ng Hong Kong. Kung maalala kasi ang naganap na
Manila Hostage Crisis noong 2010, karamihan sa mga biktima ni Rolando Mendoza,
isang suspek at dating miyembro ng kapulisan (na namatay rin sa kasagsagan ng krimen),
ay ang mga turista mula sa Hong Kong.
Kumbaga,
sadista lang ang paghihiganti ng mga taga-HK. Maliban pa d’yan, nilu-look-down
sila dahil sa karamihan ng mga trabahador na Pinoy doon ay “domestic worker.” At
speaking of which, kinalaban ng HK residents ang panukala doon na bigyan ng
residency ang mga foreign workers, kabulang na rito ang mga Pinoy.
Hindi naman
sa paghahalungkat mula sa mahiwagang baul ng mga kaganapan sa kasaysayan ha? At
hindi rin sa paghahangad na manumbat ang mga ito at naging malalim ang galit
nila sa ating bayan. Pero ito rin ang mga anggulo na posibleng tinitignan, ayon
na rin sa aking mga nabasang atikulo at balita.
Naisip ko
na lang, paano kaya kung nanalo ang Azkals sa sariling bayan at ganito pa rin
ang reaksyon ng mga bugok na ‘to? Ano ‘to, dayong siga? Pa-deport na yan kung
ganun. Out of hand and out of the game na ang pangdidiskrimina nila.
Pasalamat sila
sa homecourt nila naganap ang diskriminasyon na’ yun. Feeling nila. Tss!
Sources:
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!