9:51:19 PM | 6/17/2013 | Monday
”Minsan, mas mahihirap pa ang mga nasa middle class
kesa sa mga mahihirap mismo.”
Lahat tayo ay biktima ng sistema na ating
ginagalawan. Sa panahon na kinakain tayo ng pagiging gahaman ng mga pulitiko,
kamangmangan ng ating kapwa, nililinlang ng mga batgay na ating nakikita, at ng
relihiyong sarado ang isipan.
Nabubulok ito, at marami na ang naghangad
ng pagbabago. Pero hanggang drawing na lang ba? Kasi matapos ang ilang
eleksyon, hindi naman tayo umaangat, at mas lamang pa ang mga talangka sa atin
na naghihila sa atin pababa.
Tama ang kasabihan na sa panahon ngayon, na
“ang mga mayayaman ay mas lalong yumayaman, at ang mahihirap ay lalong
naghihirap.”
Pero sa totoo lang din, hindi ang mga dukha
ang “tunay na mahirap” sa ating bayan. Alam mo kung sino? Ang mga namumuhay sa
gitnang antas.
Mga taong patuloy na nagkukumahog, nagsusumikap para lang
maiahon ang buhay nila at ng pamilya nila sa kahirapan. Pero hinahadlangan ng
maraming bagay tulad ng krimen sa kapaligiran, at korapsyon sa pamahalaan.
Bakit ko nasabi na sila ang mas mahirap pa
sa mga mahihirap ang mga nasa middle class? Maraming bagay na maaring gawing
dahilan ‘tol. IIlan lang sa mga ‘yun ang mailalahad ko, base na rin sa aking
obserbasyon.
Sa aking pagmamasid sa bagay-bagay na
tilang pagsubaybay sa isang palabs na realidad ang tema pero walang lenteng
nakakakuha ng mga larawan nito, narito ang ilang bagay na nagiging totoo sa
atiung kamalayan.
Sa usapang buwis tayo mag-umpisa. Ang mga
nasa gitna, nagbabayad ng halaga na magsisilbing ambag nila sa ating bayan. Ang
karamihan ng nasa nasa ibaba, hindi. Bakit mo nga naman kasi pagbabayaran siya
ng buwis kung sapat lang sa pagkain nilang mag-anak ang kinikita niya sa
pagtitinda, ‘di ba?
Yung mga mahihirap, nakakatanggap pa sila
ng benepisyo mula sa pamahalaan. Ang mga taong nagbayad nito, hindi. Anong ibig
kong sabihin? Sila kasi ang mas pinagtutuunan ng pansin ang gobyerno. Ala nga
naman na ikaw ay tulungan din ng pamahalaan mo kung kaya mo naman tumayo sa
sarili mo, ‘di ba? Hindi yun ang punto.
Hindi kasi pantay. Halimbawa, sa panahon na
may CCT o conditional cash transfer ang gobyerno, ang mga mahihirap pa ang mas
nakikinabang. Buti sana kung ginagamit ng mga ‘to sa tama ang biyayang
natatanggap. E paano kung sinusugal lang din nila? Tapos pag wala na, sila pa
ang may alab nag alit kung magngawa sa gobyerno. Parang tuloy nakakalimutan ng
mga ungas na ‘to na buti pa nga sila, may nakukuha. E ‘tong mga sumasahod ng
sapat, sa halip na sapat talaga at makaipon para sa kanilang hinaharap, ayun,
napipilitan magbayad ng buwis. Parang tuloy may nakikikita akong malaking
talangka sa katauhan ng mga nasa ibaba.
Kaya swerte na lang ng iilan kung makalayas
sila ng Pilipinas dahil karamihan sa kanila, kahit mahirap ang daan na
tatahakin ay alam nila na doon mas giginhawa ang buhay. Kung ikukumpara dito,
kung nasa pagitan sila ng mga tinatawag na elitista at mayorya, sa halip na
sakto lang, e mas impyerno pa sa mga mahihirap ang mga pinagdadaanan nila.
Dati, kapag sinabing “majority,” ibig
sabihin ay boses ng nakararami. Pero ngayon, parang naiba na ata, pag sinabi
kasing majority sa Pinas ngayon, “masa” na ang tinutukoy. Ang problema lang ay
karamihan sa majority na ito, maliban pa sa pagiging “lower class,” ay namamayani
pa sa kanilang puso at isipan (kung meron man) ang pagiging ignorante. Kaya ang
boses ng nasa gitna, naisasama, kahit sa totoo lang e hindi naman sila ang mas
napapakinggan ng tao na dapat ay nakikinig sa hinaing ng taumbayan.
Pansinin sa mga balita, sinu-sino ang
mgamadalas nakakapanayam? Mga nasa ibaba, ‘di ba? Kaya hindi ko na rin masisisi
ang mga talagang naghihirap ng husto na idaan sa social media ang mga problema
nila sa lipunang ito. Bihira lang mapansin ang mga elitista at nasa hawing
gitna.
May mga bagay man na lamang naman ang mga
nasa middle class kesa sa mga nasa lower.
Pero kahit ganun, isa lang ding bagay ang
totoo: sa mga nagaganap ngayon, lahat tayo, kahit ano pang antas o estado ng
buhay ang tinatamasa mo, ay biktima ng sistema ng lipunang ito. Oo, ang bulok
na sistema nga natin ang puno’t dulo ng lahat ng ito.
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
npakaganda ng iyong punto.. idagdag mo narin ang paggamit ng mga ibang politiko sa ating mga dukhang kababayan para makamit nila ang kanilang mga pwesto..
ReplyDeletemaraming salamat!
Delete