6/10/2013
11:29:03 AM
Papasadahan
ko lang ang litratong ito.
https://www.facebook.com/pages/Pilipinas-Kong-Mahal/260869464047452 |
Ansabe
naman?
“Nobody ever went broke underestimating the intelligence of the Filipino public.” The dumber the show, the higher the ratings.
Sino nagsabi niyan? Ang isang komentarista at
bokalista ng bandang Radioactive Sago Project na si Lourd de Veyra.
Bagay na
tahasan kong sinasang-ayunan lalo na sa panahon ngayon. Wala nang tinatawag na “Quality
TV.” Wala nang masyadong mga dekalibreng palabas na kasalukuyan. Tinalo na ng
internet ang telebisyon pagdating sa larangan ng “kaalaman.” Wala na rin
masyado ang mga palabas na huhubog sa iyong pakikialam o “awareness” sa mga
kaganapan sa iyong bayan. Ang natira na lang ay ang mga tabloid at pocketbook
sa ere. Tama, ang mga newscast ngayon na tila sobra pa ang pagbibigay ng
emphasis sa mga police beat at ginagawang national item ang mga showbiz balita.
Samahan mo pa ng paawa effect sa mga talent reality shows, ang sobra-sobrang
promo na variety programs at ang jeskeng pamamayagpag ng mga teledrama. Parang
silang mga restaurant ... as in “all-day breakfast” ang main dish nila.
Actually,
ganyang-ganyan na ang karamihan sa mainstream, lalo na sa larangan ng entertainment.
Ano ang
bagay-bagay na natutunan ng karamihan sa panahon ngayon?
Hindi mo na kailangang magsumikap pa sa trabaho
mo para magkapera. Ang kailangan mo lang gawin ay pakapalin ang resistensya mo sa
matagalanag oras ng pagpila sa audition nila. At pakapalan ng mukha sa ere...
as in kaya mong isawalang-bahala ang kanilang reaksyon. Yung tatawanan ka,
kukutyain ka nila sa kanilang usaping pang-tsismis at social media, ayun lang
naman.
Mas mahalaga ang manood ng telenovela. Bakit? Dahil dito mo makikita kung
ano ang kayang gawin ng pag-ibig sa buhay mo. Kaya nitong patayin sa kilig, o
kaya ka rin nitong patayin papunta sa iyong libing.
Huwag ka nang makialam sa mga kaganapan ngayon. Pare-pareho lang naman sila, ‘di
ba? Mga corrupt at wala namang pagbabago ang nagaganap ‘di ba? Parang teleserye
rin naman ang takbo ng pulitika sa ating bansa, ‘di ba? Kaya what’s the use pa
para manood ng mga public affairs program kung sa bandang huli e “wapakels” pa
rin ang karamihan? Mga lechugas, d’yan kayo nagkakamali.
Mas mahalaga pa ang emosyon kesa sa pag-iisip. Kaya tuloy ang dikta ng buhay sa
atin, nakabase na rin sa kung ano ang nararamdaman natin sa halip na dapat
nating pag-isipan ng masinsinan ang lahat. Kasi ayaw nilang mahirapan. Hindi rin
naman kasi bebenta ang acting niya kung dead kid naman ang magiging labas niya.
Hindi na mahalaga ang edukasyon sa panahon
ngayon. Kitam mo
naman ang ibang mga tao sa lipunan natin e. Walang pinag-aralan pero sumisikat.
Mas pinili pang lumandi kesa sa pag-aaral. Yun nga lang, pinapahalata rin kasi
nila ang pagiging ignorante at pinagdidiinan nila na tama ito.
Hay naku. Wala
na nga talaga sa ngayon ang mga palabas na magbibigay sa inyo ng kaalaman (yung
maliban pa kay Kuya Kim na once a week lang naman umere sa dos), e hindi naman
accessible sa lahat ng tao ang internet ngayon.
Bihira na
nga rin yata ang mga palatuntunan na magpapaalala sa iyo ng pananampalata sa
nasa itaas. Katoliko ka man, Kristiyano o mapaibang relihiyon pa.
Bakit nga
ba nagkaganito ang TV sa ngayon? Una, ito rin kasi ang dikta ng audience sa
panahon ngayon. Karamihan sa mga manunood ay mga taong nasa gitna at mababang
antas ng pamumuhay. Sila ang tinatawag na “masa.”
Pangalawa,
sumusunod lang ang mga oligarkiya ng media sa dikta ng panahon ngayon. Nagababago
ang lahat, kaya nagbabago rin ang taste ng sangkatauhan.
Kaya sa
totoo, hindi lang nasa fourth estate ang kasalanan. Alam mo kung sino? Ikaw na
manonood. Oo, ikaw nga, pati ako, siya at sila, at tayong lahat. Kung nauurat
ka na sa mga palabas ngayon, kagagawan din natin yan e.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!