10:45:11 PM | 6/20/2013 | Thursday
Pambansang bayani?! Uso pa ba ito sa ating
henerasyon sa panahon ngayon? E tila wala na ring pakialam ang tao sa usaping
makabayan e.
Kahapon ay araw ng kapanangakan ng ating pambansang
bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Kaso, ano naman ngayon? Naalala pa kaya ng
modernong Pilipino ang kanyang ambag sa kanyang Inang bayan, ang bayan na atin
ring nagsisilbing tahanan (maliban na lang kung itinakwil mo na ‘to).
Sa tingin ko nga, mula noong nakamit na
natin ang ating kalayaan e bumalik tayo sa dating gawi e. Walang pakialam sa sibilisyasyon.
Panay romantisismo at kababawan ang nasa utak. At teka, masyado pala emosyonal
ang tao kesa sa mga taong madalas pala-isip, no?
Sa ngayon ba, may nakakakilala pa rin ba
kay Rizal. Maliban sa sagot na “siya ang ating pambansang bayani,” ano pa?
(cricket sound)
Pustahan, kaya lang naman nagbabasa ng
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, (isama mo na rin ang kanyang mga
tula) ang halos lahat ng estudyante na nagaaral sa Pinas ngayon, ay dahil parte
ito ng curriculum ng ating Pilipinong asignatura. Naknampucha, siyam sa sampung
katao na kilala ko na nagdeny niyan, mga sinungaling at hipokrito.
At malamang, bihira lang (kung hindi man
wala) ang nakaaalam ng iba pang kontribusyon ni Pepe (ops, wag kang matawa, yan
talaga palayaw niya) sa iba’t ibang larangan tulad ng agham at literatura.
Pero marami pa ring mahiwagang tanong nun
kung bakit siya pa ang naging Pambansang Bayani? E mas matindi pa nga ang alab
na ginawa ni Bonifacio kesa sa kanya? Medyo may halong diskriminasyon no?
Alam mo, paano kaya kung buhay pa si Rizal
ngayon? Ano siya? Maliban sa pagiging makatang hip-hop o emoterong rakista,
tulad ng bidyo na ito na mula pa sa mga episode ng sinaunang Word Of The Lourd.
Pero, seryosong usapan lang. Paano kaya
kung nabubuhay pa si Rizal? Ano kaya ang kanyang sasabihin?
https://www.facebook.com/theslickmaster28 |
Oo nga. Tangina! Anyare nga
ba, Pilipinas? Parang hindi yata ito ang inaasahan niyang produkto ng kanyang
(pati na rin ng iba pang mga rebolusyonarista) pakikibaka.
Una, akala ko ba ay una “ang kabataan ang pag-asa
ng ating bayan?” Oo, pag-asa kung populasyon ang usapan. Naechapwera na sa utak
ng karamihan sa kanila ang edukasyon, at nauna pa ang kalandian. Tapos, ang
tindi lang ng drama nila pag nabuntis ang kanilang nilanding nilalang.
Uso pa ba ang kasabihan na may kinalaman sa
mga taong hindi marunong magmahal sa sarili mong wika? Sinu-sino ba ‘tong mga ‘tong
mga sinasabing malansa pa sa isda? Mga social climber ba? Nasa call center
nagtrabaho? Tapos nahawa sa pagiging konyo? Ewan.
E paano yung mga taong hindi marunong lumingon
sa pinanggalingan? Nasan na ba sila? May stiff neck ba sila, o bitter lang sila
sa mga kaganapan sa kanilang nakaraan?
O sadyang nakalimot lang tayo. Oo nga,
kahit noong panahon na lumaya tayo sa diktadurya. Bihira lang ang mga aware sa
mga panagaln ng mga taong nakibaka nun. Ano ‘to? National amnesia ang sakit
natin?
Naku. Tsk, tsk, tsk. Mahirap yan. Malala na
’yan, mga hijo’t hija.
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!