Akma rin pala dito ang “Pilipinas Got Singing Talent?!” bilang
pamagat sa blog post na ito.
Sa nakalipas na tatlong na season, ang mga kampeon sa palatuntunang
Pilipinas Got Talent ay pawiang mga mang-aawit. At sa pagtatapos ng ika-apat na
season nito, isa na namang singer ang naging grand winner nila.
Kasama na sa hanay nila Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy,at ang
Maasinhon Trio, ang winner ng season 4 na si Roel Manlangit. So, ibig sabihin
ay tatlo sa apat na singing champs ng PGT ay mga soloista.
Pero teka lang, singer na naman ang nanalo?! At soloist na
naman ulit?! Naku, sa ikalawa (o baka pa nga ay ikatlo pa) nang sunod na
pagkakataon sa kasaysayan ng 4 na season finale ng Pilipinas Got Talent,
nabatikos na naman ang naturang palabas dahil sa outcome o resulta ng mga
nanalo.
Ano ‘to, may dayaan na naganap? Hindi. Pero ano na naman ang
inaangal ng karamihan? Singer na naman daw kasi ang mga nanalo. Kaya ang
dating, naeechepwera na naman sa pagkakataong ito ulit ang mga tao na may iba
pang talento tulad ng pagsayaw, pagmamahika, pagrarap, o ultimo ang kumain ng
kung anu-ano.
Marami pang mas deserving sa kanila kung papanoorin muli ang
nakalipas na pagpapatimpalak nila. Naalala ko tuloy ang mga katulad ng Happy
Feet at El Gamma Penumbra. Sa ngayon kasi, wala akong masabi sa mga nagtanghal
dahil hindi na rin ako ganun ka-fan ng PGT mula noong mapasabi ko sa ilang mga
netizens na “tama ah” o “agree” sa kanilang hinaing na “singer na naman ang
nanalo sa PGT!!?!”
Nanalo nga ang mga mang-aawit. Okay, parang nakikita ko na
naman ang resultang ‘yun noong nagsimula ang Finals ng PGT nitong Sabado lang.
Oo, kahit na ang tanging panawagan lang ng mga hurado ay piliin ang
karapat-dapat na parang kung tutuusin ang lihim na mensahe (or unless kung
sinabi nila ito mismo) ay, “kung pwede lang ay huwag naman mga mang-aawit din.”
Pero hindi ko mapigilang mag-rant eh. Dahil nasa obserbasyon
ko na rin lang naman dala ng tahasang tulong sa pagsubaybay ng karamihan sa mga
tropa ko, at pagkadismaya na rin sa resulta ng PGT.
Parang masasabi tuloy ng mga ‘to na mabuti pa nga ang
programa na kahalintulad rin nila ng format (at nauna sa kanila), ang
Talentadong Pinoy.
Pero ano nga ba ang implikasyon nito sa ating mga Pinoy? Dalawang
bagay lang, mga 'tol.
Una, hindi talaga hasa ang utak ng karamihan sa pagboto. In short,
karamihan sa kanila, mangmang. Hay naku, kahit kelan talaga. Ke mga pautot man
ng media (tulad ng reality at talent show), o seryosong bagay tulad nitong
nagdaan ng midterm elections, wala na yatang pinagbago ang Pinoy pagdating sa
right of suffrage o ang act of voting. Tsk, tsk, tsk.
Pangalawa, kung generalization of talent ang usapan, sadya
kasi tayong mahilig sa pagkanta e. Ilan ba sa mga talent natin sa bansang ito
ay ang mga singer? Professional man, o for the fans lang, or kahit yung mga taong
nagpilit na maging singer pero inuto ang mamamayan sa tulong ng blos ng PR? Kaya
tulad ng sabi ko kanina, ang iba pang mga talent ng tao na maliban sa pagkanta
ay hindi ganun naapprecaite ng karamihan. Nakakapanlumo na katotohanan nga
lang.
Kaya hindi na ako magtataka kung next time, o magkaroon ang
Pilipinas Got Talent ng season 5, ay singer na naman ang mananalo. Patay!
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!