11:38:20 PM | 5/2/2013 | Thursday
Sa panahon ngayon, hindi na uso ang laban sa pagitan ng mga lalake at babae, o mayayaman sa mahihirap, o kahit sa tinatawag na “conservative” versus “liberated” o science vs. faith. Nasa makabagong panahon na tayo, lalo na’t halos sinuman sa atin ay may mga kanya-kanyang account sa mga social networking site tulad ng Facebook at Twitter.
Wala na sa sekswalidad o ni sa antas ng pamumuhay nababase ang matinding hidwaan ng diskriminasyon sa ating lipunan. Alam mo kung saan? Sa dalawang grupo pa rin naman ang pinakabatayan o klasipikasyon: una, ang nag-iisip na minorya, at ang mayorya na nakikibagay sa mga nauusong bagay.
Thinking class, madalas mo itong makikita sa harap ng PC, o kung malalalaim ang post ng mag ‘to sa Facebook. Madalas sa mga pagkakataon ay…
• Palagian (kung hindi man sa lahat ng oras) na ginagamit ang kanilang utak.
• Matimbang kung magsalita. May sense ba, o malalim ang pinaghuhugutan
• Matalino sa paggawa ng desisyon sa buhay. Matimbang kung gumawa ng panghuhusga. Inaalam muna ang mga panig na sangkot sa isang problema o sigalot, bago gumawa ng hakbang at salita. Masyado nga lang silang kritikal mag-isip.
• Nagkakamali man minsan pero tinatanggap ang kapalpakang nagawa. Nagiging responsable.
• Nagagalit at lumalaban kung kinakailangan, at ang may tunay na emosyon ito, hindi yung puro angas lang na kala mo ay naghahanap siya ng away.
• Mga nasa lugar ang pagiging open-minded.
• Alam ang pagkakaiba ng pagiging critical thinker sa pagiging over-thinker. Kumbaga sa pagtingin sa love at obsession, alam nila na may thin line na namamagitan o nagsisilbing boundary sa pagitan ng mga ‘to.
Hindi sila nagdudunung-dunungan, pero at least ginagamit ang kanilang sentido at nasa tama ito.
Sa kabilang banda naman, the stupid majority kung tawagin, nakapagtataka lang kung bakit parang isang epidemya ito sa panahon ngayon. Ang pangkat na naglalaman ng mga ganitong klaseng katangian:
• Mga nakikiuso sa mga kababawan at kabaduyan lalo na sa mainstream.
• Masyadong emosyonal (alam kong totoo ang kasabihan na “emotions make us act, pero hindi rin makakaila dapat ay pinag-iisipan pa rin ang mga bagay-bagay bago umaksyon).
• Masyadong mababaw ang pag-unawa sa mga bagay-bagay. Yung hindi na nga nagbabasa pero todo react pa rin. Hindi na nga naintindihan, may gana pa silang umangal.
• Mga taong umaasa sa pagiging “swag” nila, e hindi naman sila tunay na hiphop o rakista.
• Mga makikitid ang utak, yung ipinagtatakpan ang sariling kamalian (minsan pa nga ay ipapangalndakan pa ng mga ‘to na tama ang kanilang nagawa na akala mo e nagdi-defense sa thesis nila).
• Mga laging gumagawa ng desisyon base sa kanilang bugso ng emosyon. Mga ni hindi yata nila napapansin na hindi nila ginagamit ang kanilang sentido kumon.
• Mga mas malala pa sa mga wala-sa-hulog o corny kung bumanat. Wala rin sa hulog ang kaNilang tinatawag na “open mindedness.”
Ang tanong: alin ka sa dalawang ito? San ka panig o kampi? Ikaw lang makakasagot niyan.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!