Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 June 2013

Tirada Ni Slick Master: 26th Awit Awards

10:58:44 AM | 6/5/2013 | Wednesday

Usapang Awit Awards naman. Nilabas kamakailanlang ng Philippine Association of Recording Industry (o PARI) ang listahan ng mga nominado para sa ika-26 na Awit Awards.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Awit Awards ay isa sa mga prestiyosong award-giving body sa laranagan ng musika. Kumikilala ito sa mga akda ng mga taong sadyang may passion sa kanilang ginagawa. Sa mga taong nilalako ang kanilang produkto, produkto na hindi lang halaga ng pera ay katumbas kundi ang tinatamasang popularidad, ang mataas na pagtingin ng mga kritiko, at ang mga substansya na makukuha ng sinuman na makikinig nito.

Isa rin ito sa mga aktibidad na naghahangad rin na palaganapin ang OPM sa ating bansa, bagay na talaganag kailangan natin sa panahon ngayon. Panahon na tila kinakalaban natin ang mga kabaduyang bagay tulad ng karamihan sa mga pautot ng mainstream tulad ng masa stations sa radyo, ang walang kato-atoryang musika mula sa mundo ng mga banyaga, ang walang-kamatayang pamimirata, at iba pa.

Tignan ang buong listahan sa website ng philnews.ph


Medyo nakakapanibago lang. Maliban kasi sa novelty, bakit wala sa mga listahan ang mga kanta na mas pinakikinggan ng karamihan? Yan ang patunay na iba ang tinatawag na “quality music” kesa sa mga halatang pang-benta lang. Mabuti nga ganun e. Dapat lang na mangibabaw ang mga musika na may kaakibat na mabibigat na mensahe sa ating lipunan kesa sa mga awit nakapagpapabigat lang sa bulsa ng mga tao na hangad lang ay kumita kahit ampaw at hangin lang ang laman nito.

Marami bang hindi pamilyar na pangalan sa listahan? Mitsa na yan para subukan mong buksan ang iyong tenga’t isipan para mnakinig sa iba’t ibang kalse ng musika sa panahon ngayon.

Ito lang ang patunay na hindi lahat ng napapakinggan mo sa radyo ay magaganda o astig talaga, lalo na kung kadalasan ay sa mga sikat an istasyon ka ngayon makikinig. Hindi nga lahat ng mga gawa sa OPM ay nakakakuha ng matinding exposure sa mga istasyon ng radyo e. Kahit sa karamihan sa mga masa station din pala, kung mapapansin mo, novelty at ballad lang ang madalas na maipatugtog doon. Magpe-play lang ang ilan d’yan ng mga kantang nabanggit sa listahang ito, dahil sa: una, sikat na ang artistang may-akda; pangalawa, kung kilala ba ang recording company na naglimbag sa mga kantang ‘to; pangatlo, kung pasok ito sa format ng playlist nila; at panghuli, kung marami na ang nagrerequest nito.

Hindi lahat ng naeexpose ng mainstream ay may kalidad na bagay. Katulad lang yan ng sinabi ko sa taas, tsong. Dagdag ko lang, maliban sa Myx, tila bihira (kung hindi man “wala”) na lang ang avenue para sa mga muskier na maexpose ang kanilang musika sa pamamagitan ng mga music video. Unless kung sinagot ng mga PR ng mga programa sa telebisyon ang tawag nila para maging panauhin sa mga ito at pag-usapan ang kanilang gawa.

Sa ngayon, susubukan kong pakinggan ang mga ito. Antabayanan ang susnod na post ukol sa paksang ito, dahil doon ko ilalahad ang aking mga pananwa at sa tingin ko, ang dapat manalo sa 26th Awit Awards.

Ang hakbang na ito ng PARI ang nagpapatunay na hindi pa patay, at hindi tuluyang mamamatay ang musika ng Pilipino.

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!