Ayan na naman tayo. Umandar na naman ang
pagiging senstive ng karamihan sa mga Pinoy sa isa sa mga isyu na may
kinalaman sa kabulukan ng Pilipinas.
Ang Maynila, tinaguriang “Gates Of Hell” ni Dan Brown???
O tapos, ano na? Ano naman kung tinaguraing
“Gates Of Hell” ang Manila?
Ayon kasi sa librong Inferno ng naturang awtor na
si Dan Brown…
The capital city
is full of “six-hour traffic jams, suffocating pollution and horrifying sex
trade.” Dr. Brooks tells readers she has “run through the gates of hell” after
nearly being raped.
(Ito naman ang mahaba-habang version ng
tinaguraing “Gates Of Hell” part ng Inferno.)
Brooks, who has
been working with humanitarian groups, went to the Philippines for a mission to
supposedly feed poor fishermen and farmers on the countryside.
She expected the Philippines to be a “wonderland
of geological beauty, with vibrant seabeds and dazzling plains.”
Upon setting foot in Manila, however, Brooks could
only "gape in horror" as "she had never seen poverty on this
scale."
She said her “dark depression” flooded back, with
pictures of poverty and crime flashing through her eyes.
“For every one person Sienna fed, there were hundreds
more who gazed at her with desolate eyes,” the book read.
One after the other, the book described chaotic
Manila: "six-hour traffic jams, suffocating pollution, horrifying sex
trade."
The book described the sex industry as consisting
mostly of young children “many of whom had been sold to pimps by parents who
took solace in knowing that at least their children would be fed.”
“All around her, she could see humanity overrun by its
primal instinct for survival…When they face desperation…human beings become
animals,” the book read.
The book went on to detail a turning point in Brooks’
life. “I’ve run through the gates of hell,” she said.
Traumatized, Brooks “left the Philippines at once,
without even saying goodbye to the other members of the group.”
By the way, ayon sa isang artikulo na
nakapagbasa ng naturang libro, ang nobelang ito ay tinatampok ang Harvard
symbolist na si Robert Langdorn, at si Dr. Sienna Brooks, isang 32-anyos na
babae at kanyang kasama. Si Langdorn ay isa rin sa mga protagonist o main
character sa mga akdang “The Lost Symbol” at “Da Vince Code.”
O tapos? Ano na ang iaalma natin? Parang
tama rin naman ‘di ba?
Whoops. Panay negatibo kasi ang tingin ng
ilang mga banyaga sa atin e. Bakit hindi nila gayahin si Paulo Coelho, na
pinuri naman ang ating bayan nung minsa’y bumisita siya? At take note. Siya,
bumisita sa Pilipinas; si Brown, hindi.
Ngayon, ano siya? Isang mapaghusgang tanga,
dahil hinusgahan niya ang ating lugar pero hindi pa pala siya nakarating dito ni
minsan?
Pero, huwag kayong magtatalak d’yan na
parang ang linis n’yo naman. Dahil kahit sabihin pa natin na “baka naman nadala
niya sa kanyang imahinasyon sa paggawa ng nobelang yan ang mga kaganapan dito sa
Maynila?” e may pagkatotoo rin naman kasi ang mga nilahad niya.
Ironically ito pa ang problema, hindi natin
pinupuna ang mga akda na naglalahad ng kahirapan sa ating bansa. Mula sa mga
pelikulang tulad ng Insiang, hanggang sa mga karaniwang setting ng ating tipikal
na telenovela sa kasalukuyan, hindi natin pinapansin na may isang bagay na
present na present dun – kahirapan. Ironically, wapakels tayo pag ang kapwa
natin ang nagdidisplay ng ating pagiging hampas-lupa; pero kapag ang mga
taga-ibayong dagat ang nakapansin, para tayong mga gago’t tanga kung
makapagreact. Pustahan kahit tuwang-tuwa tayo na nagshoot ang pelikulang The
Bourne Legacy sa ating bansa, walang nakapansin na mas ineexpose ng pelikula
ang lahinaan natin bilang isang bansa – tatlong bagay: korapsyon, kahirapan at
krimen.
At nakakalimot yata kayo… na fiction lamang ang mga nakapaloob sa
mga sinulat ni Brown. Hindi pa rin totoo. At kung totoo man ito sa inyong mga
mata, eh problema niyo na yun. Sapul pala kayo sa mga nilahad niya e. Ilagay
nga natin ang pagiging “national pride” sa tamang lugar.
Ito pa ang problema sa mga taong react ng
react. Nakikisali lang, at panay emosyon ang pinapairal sa halip na mag-isip o
mag-analisa sa naturang bagay na hinuhusgahan. Mga hysterical na gago pala ‘to
e.
Naalala ko tuloy ang isang diumanong letter
ni Metropolitan Manila and Development authority Chairman Francis Tolentino
ukol rito. Alam ko, kontra siya sa mga sinabi ni Brown. Pero para sulatan niya
ang taong yun? Seryoso? Oo, seryoso nga. Ito ang patunay oh.
At may sagot kagad ang awtor.
Pero wag kayo maging hysterical at mapgpaniwala kaagad. Dahil isang satirical article lang yan galing kay Professional Heckler.
http://scoopboy.com/ |
At may sagot kagad ang awtor.
http://pbbaddict.blogspot.com |
Pero wag kayo maging hysterical at mapgpaniwala kaagad. Dahil isang satirical article lang yan galing kay Professional Heckler.
O, ano? Huhusga ka pa? Tsk, tsk, tsk. Naku.
Isip-isip muna din pag may time.
Sources:
author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!