Nang dahil sa isang kontrobersiya, napansin ng madla ang
isang hindi masyadong pansining bagay na kung tawagin ay “komiks.” Minsan ako
napapapdpad sa COMIC relief section ng Philippine Daily Inquirer at napapahalakhak
sa mga comic strip ni Pol Medina, Jr. na Pugad Baboy, isa sa mga magkahalong
satire at art na produkto ni Medina, halos tatlong dekada na ang nakalilipas.
Marami ang umalma sa pagkakasuspinde ng comic strip na Pugad
Baboy. Ayon kasi sa pahayagang the Philippine Daily Inquirer, hindi na raw nila
ilalathala sa naturang dyaryo ang nasabing comic strip, pagkatapos silang
birahin ng isang exclusive for-girls na eskwehan dahil sa aniya isang
kontrobersiyal na episode hinggil sa pagiging lesbian. Aniya, tinawag rin niya
na ”hipokrito” ang mga Katoliko.
http://gerry.alanguilan.com/ |
Pero ang isa pang nakababahalang pahayag di umano na galing
sa kay Medina na “I smell a conPIGracy.”
Kung ako ang tatanungin, well, wala sanang masama sa
pagpapahayag ng sariling opinion sa mga pahayagan. Kaso ang nakikita mo na may
pagkakamali dito ay ang pahayagan mismo. Bakit nakalusot pa ito kung nasa buwan
ng Marso pa ito nagawa mismo? Maraming reject na strips ng Pugad baboy si Pol
at kaya niya naman itong ilimbag sa sariling libro o sa kanyang mga account sa internet. Ibig
sabihin kung hindi naghigpit sa pananala ang PDI, hindi ito mangayayri? Ganun?
Oo naman.
Kaya ang creator nitong si Pol Medina Jr., nag-sorry na. Magpapractice na rin daw siya ng tinatawag na
“censorship.” Teka, teka, teka nga! Bakit naman siay magsosorry sa ginawa niya?
Siguro, ang mali ni Pol dito ay yung pag-single point out
niya sa St. Scholastica bilang isa sa mga eskwelahan na kung saan ay laganap
ang mga bagay na immoral sa mata ng mga konserbatibo tulad ng pagiging lesbian,
at same sex (girl) relationship ng mga estudyante at madre. Bagamat sigruo pag
ginawa niya yun na isang “generalization” statement, e mas marami pa ang
aangal. Dahil hindi nga naman lahat ay ganun.
Bagamat may punto siya na karamihan sa mga Katoliko ay hipokrito
(bagay na totoo rin naman sa pagmamasid ng inyong lingkod). Kaso sa lipunan
kasi na karamihan ay saado ang isip at napapaligiran ng emosyon at laging hinahaluan
ng kulay ang kada aktibidades, ang isang simpleng akto ng pagtuligsa sa
nakaugalian ay nagreresulta sa tahasanag pagkontra ng mga tao sa pinupunto mo
at kasama na rin d’yan ang pagiging “over-reactive” ng mga ‘to.
Saka ito rin ang problema, respeto sa paniniwala ng iba.
Bagamat for public consumption ang kontrobersyal na strip na ‘yan ng Pugad Baboy,
ito pa rin ang pinakapuno’t dulo niyan – opinion niyan ng artist. Hindi
necessarily mula sa PDI. Hindi yata ito maintindihan ng karamihan.
Masyado ba silang touchy o insensitive? Maaari. Ironically,
ito pa ang problema sa lipunan natin. Ang lalakas natin magbitaw ng offensive
jokes kahit alam natin na makakasakit tayo ng kapwa, kung mapipikon ba ang
binibiro natin. Pero pag tayo naman ay biniro din sa kaparehong manner, ang
lakas din natin mapikon. Ano, na-karma ka, dre? Tapos ikaw pang Mr. Slapstick Joker ay
mapipikon din? Hipokrito ampucha!
Sa mga taong nagsasabi na hindi ito magandang basahin ng mga
bata? Siguro, dahil pananaw niyo naman yan e. Pero kung ako ay nasa musmos na edad
na tulad ng mga batang yun at sa panahon na nagbabago na ang taste ng mga
batang henerasyon… aba, baka mas babasahin ko pa ito kesa sa mga romantic blog
sa Wattpad at ultimo ang mga libro na nagsisilbing screenplay ng mga umuusbong
na pelikula at telenobela.
Basta, no need to say sorry, Mr. Medina. You just fight for
what you are seeing, and what you thbink should be corrected. Ngayon kung
nireject yan, e di may ibang ways ka naman to spread your work e. we just need
to be thick-skinned about it.
Sources:
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!