Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 July 2013

A Comical Death?!

2:38:57 PM | 7/10/2013 | Wednesday

Anyare Philippine Comedy?

Matanong ko lang. Sumabay pa sa pagpanaw ni Rodolfo Vera Quizon ang unti-unting pagkamatay na rin ng komedya sa ating bansa?

Hindi. Sa totoo lang, hindi naman yan tuluyang namatay e. Siguro nag-iiba lang talaga ang taste natin. Kasabay ng pagbabago ng panahon at ng kapaligiran natin.

Kung tutuusin, simula noong pinaunlakan natin ang mga kabaduyan na bagay sa radyo at ang mga telenovela sa primitive television, doon unti-unting namatay ang larangan ng pagpapatawa. Ang komiks? Hindi naman yan pinapansin ng tao e. Pustahan, pansamantala lang nagkaroon ng exposure ang induistriyang yun noong nasangkot sa isang mainit na isyu ang satirical na akda ni Pol Medina Jr. na Pugad Baboy.


E teka, bakit nadamay dito ang radyo? Oo, may jokes nga. Okay na sana, kaso parang comedy bar na lang din ang istilo. Slapstick, hindi talaga akma. Ang kontrobersyal na bagay, dapat nilalagay sa tamang oras.
Pero balik tayo sa komedya sa telebisyon. Nangamamatay nga ba ang larangan ng pagpapatawa sa atin? Oo. Kung ang mga tulad na lamang ng tropa ni Bitoy sa Bubble Gang, ang tandem nila Jose Manalo at Wally Bayola, si Eugene Domingo at kahit si Vice Ganda na lang ang bumubuhay sa industriya ng komedya sa mainstream? E ayun lang.

Sa totoo lang, nasaan na ba ang mga sitcom? Maliban sa weekend na lang sila umeere? Anyare? Parang malungkot nga ang dating ng primetime television noong nawala ang mga tulad ng Whatamen!, Beh Bote Nga, Lagot ka!, Daboy en Da Girl, Daddy Di Do Du, Onli in da Pilipins, Kool Ka Lang, Super Laff In, Goin’ Bananas, Tropang Trumpo, Ispup, Wow Mali!, at ultimo ang John En Marsha, Chicks to Chicks (na naging Chika Chika Chicks noong lumipat sila mula IBC 13 papuntang ABS-CBN Channel 2), Home Along Da Riles at Abangan Ang Susunod Na Kabanata. Lahat yan noong nawala sa slot ng primetime TV, hindi nga lang naging malungkot e. Naging corny as baloney pa.

Nagamit na rin ba sila sa mga variety show. Tama lang siguro, kaso slapstick pa rin e. Wala na bang ibang istilo ng pagpapatawa na nakikita natin mula kila Carding Castro, Rene Requiestas, Babalu, Redford White, Ben Tisoy, Sammy Lagmay, Panchito, Porkchop Duo, Tabo at Timba, Asado Duo, at iba pa?
Sa sobrang iba ng istilo ng pagpapatawa ngayon, nagiging kontrobersyal. Dahil may nasasaktan, may naooffend. Pero masisisi mo ba na “close minded” sila? Hindi, dahil sa kaisipang “try to fill her shoes first beofer you judge her.”

Sa sobrang iba ng komedya sa panahon ngayon, hindi na sya nakatatawa pang panoorin; maliban pa diyan ay bitin para tayo ay maentertain. Bitin pa ang oras na nilalaan para sa isang gag show o sitcom. Bitin ang trenta hanggang kwarenta’y singko minutos para matawa na lang sa mga nangyayari ang isang tao. Lalo na kung walong oras na siya nagtatrabaho tapos limang oras na pagtutok sa telebisyon kung saan ay isang oras ay nilaan sa pagbabalita, tapos ang natirang tatlo’t kalahati ay sa mga serye ng kabullshitan na kung tawagin ay soap opera o telenovela.

Alam mo, mabuti na lang andyan pa si Brod Pete at Bitoy.


Ano, resort na lang ba tayo sa comedy bar at parody sa YouTube nito? O sa mga simpleng “epic fail” moment ng isang tao (kung tutuusin, malaking FAIL din ang salitang yun e)? Ganun na lang?


Pero kunsabagay, mas mahirap kasi magpatawa kesa sa ibang agwain sa acting.

Well, hindi naman ako nainiawala na talagang namatay ang komedya sa Pinas though. Katulad ng ibang bagay sa ating lipunan, kailangan lang siguro ng tyempo para mabuhay ulit. Resurgence, ika nga.
Malay mo, maulit muli ang mga panahon  an kada gabi ay may sitcom at gag show na umeere di ba?
Ika nga ng isa sa mga anak ni Pidol, “Long live comedy.”

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!