Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 July 2013

Anyare After 3 Years?

11:53:26 PM | 7/1/2013 | Monday

3 years na pala ang nakalilipas. Ang bilis ng panahon no?

Parang kelan lang, nakatambay ako sa dorm ng barkada ko habang nag-iisip kung ano ang gagawin namin sa thesis namin (na syempre, nauwi sa isang munting inuman session ang lahat).

Akalain mo, 2013 na pala. Graduate na ako, may trabaho at kasintahan, pero nananatiling pakealamero sa mga kaganapan sa bayan.

Pero, balik tayo sa 2010. Isang maambon na Miyerkules ng umaga nun, nakatambay sa drom ng barkada-slash-thesismate ko sa Sampaloc noong narinig ko ang putukan kahit ito’y mula pa sa Luneta. Oo nga pala, naalala ko – pormal na seremonyas pala ng pagsisimula ng bagong administrasyon nya yun no?

Nanumpa ang kuya mong si Benigno Simeon Cojuango Aquino, mas kilala bilang si “Noynoy” o (dahil pangulo na siya) President Noy. Simula na nun ng kayang “tuwid na daan” na pamamalakad. At may mabibigat na salita pa siyang binitawan.

Pero, may nangyari ba talaga?


Walang wangwang. Wow ha? Sosyal ng dating. Este, pang-echapwera ng mga utak wang-wang at mga sasakyang pa-VIP kunwari.

Walang counterflow. Kaso, marami namang naaksidente sa kalye at kailangang tugunan ang problema sa trapiko sa pamamagitan ng “counterflow.”

Walang toll.  Pero hindi applicable ito sa mga expressway sa Luzon. Kaso, marami pa rin ang nagsisgawa nito. Kung alam ng kuya nyo ang kalokohan niyo, naku, magtago-tago na kayo.

Pero, tatlong taon na ang nakalipas. Ano na nga ba ang nangyari sa kanyang panungkulan.

Wala nang primerong epal na billboard na naglalarawan ng mukha ng pangulo sa kada proyekto nasyonal. Pero sa kabilang banda, ano nga ba ang maipagmamalaki nya (kahit sabihin natin na minus the mukha at kanyang pangalan)

Tatlong taon na ang nakalipas. May nabago ba?

Meron namang nabago at meron din naman na nananatili, mga wala pa ring pagbabago sa pamumuhay.
Marami rin namang mga proyekto ang nagawa,marami rin namang mga kontrobersiya ang kanyang napagdaaanan. Kabilang na rin ang magandang balita na kahit papaano ay umaangat ang ekonomiya ng bansa. Bagamat on the contrary side of life nitong mga nagdaang linggo ay bumabagsak naman ang stock market. Yikes.

Pero kelan ka lang nakikialam sa kanyang pamamalakad? Kung kelan siya lumalovelife? Mula kay Liz Uy hanggang kay Grace Lee? O tapos, maliban dun? Ano pa ang alam mo ukol sa kanyang panunugkulan sa nakalipas na tatlong taon?

3 years after Aquino’s administration, anyare na nga ba? Ayun, tinitira ang samu’t saring mga anomalya sa lipunan. Mula media hanggang kanyang gabinete hanggang sa nakaraang administrasyon. Masyado ba siyang prangka? Siguro, pero mas okay namana nag nagpapakatotoo kesa sa paliguy-ligoy pero palihim na nanggago. Siguro, mas okay na rin kung ilalagay sa lugar ang pagiging taklesa, lalo na’t panay palagian noon ang kanyang tirada kay dating Pangulong Arroyo.

Pero isa sa mga matitinding sigalot na pinagdadaanan ng adminsitrasyong ito ay ang mga problema sa usaping diplomatika, tulad na lamang ng mga naganap na Manila hostage crisis, pagpatay sa isang mangingisda sa Taiwan, kaso ng pagbitay sa mga OFW drug mule, at ang dispute sa territoryo natin. Naku, kawawa naman tayo. Palagi na lang tayto binubully ng ating mga kapitbahay. Lalo na’t parang agwang buko ang laban pagdating sa lupa. Kaso lagi na lang olats ang Pinoy. Either naisahan tayo ng mga karatig-bansa, o dahil rin ito sa kalokohan ng ating kapwa, na ang gobyerno pa mismo ang tumutubos sa kanila.

Sa madaling sabi, marami namang nagyari e. May pagbabagong naganap. At sa kabilang banda, parang wala ring pagbabago para sa kanila. Siguro, tumutukoy ito sa mga tipikal na laging nangyayari sa ating lipunan – may krimen pa rin, mataas ang bilihin, pero tila ganun pa rin ang sinasahod. Para sa kanila, same old shit, ika nga.

Nangalahati na ang temino ng ating mahal na pangulo. Ano ang masasabi mo? May pagbabago ba, o wala?


Author: slickmaster | (C) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!