Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 July 2013

Araw-Araw Teleserye (Kaya Ang Buhay Ay Nagkakandaleche-Leche)

7/26/2013 6:37:44 PM

Isa sa mga matitinding problema na tila sakit na cancer na sa ating lipunan ay ang mga “teleserye.”

Hay naku!

Sa araw-araw na lang na lumilipas (o kung mahilig kang lumabag sa ikalawang utos, “sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos”), panay teleserye na lang ang nakikita ko sa telebisyon. Mabuti ngang patayin na nga ang telebisyong ito at ituloy ang pagsusulat.

Bakit ganun na lang? Nasaan na ang mga dokumentaryo, cartoons, educational shows, at sitcoms? Buti pa nga ang ibang channel sa free TV (yung mga hindi kilala), nag-aalok ng ganung programming.

Isipin mo, ganito na lang palagi ang isitlo ng programming sa TV ngayon. Though hindi naman lahat ng istasyon ay ganito, pero parang ganun pa rin ang datingan in general.

Umaga: morning show – teleserye na cartoons – teleserye – teleserye – teleserye
Tanghali/Hapon: variety show – teleserye – teleserye – teleserye (o kung ilan pa yan)
Gabi: teleserye – newscast – teleserye – teleserye – teleserye – late evening newscast – news program – teleserye ulit.

Leche, araw-araw teleserye na lang! Pepreno lang kapag variety show o newscast na. Okay sana e. Kaso, kung sa batas ng ekonomiya ang usapan, surplus na surplus na tayo sa supply ng mga telenovela e. Sobra pa sa sobra, o lumalabis na tayo talaga.

Eh ano pa bang bago sa mga ito? Iniba lang naman nila ang artistang parte ng cast eh. Kung tutuusin, marami pa rin namang pare-parehong bagay sa mga teleseryeng ‘to. Ganun pa rin naman ang generic plotlines, generic na story structure, camera movement at direction, pati na rin ang spot ng mga advertisers kada gap,

Andyan pa rin naman ang mga pobreng bida, mga matapobre’t mayayamang kontrabida sa pagmamahalan nila. Andyan din ang mga pagsabog ng mga sasakyan, kidnap scenarios, warehouses, pati pa rin ang katotohanan na palaging nasa huliang bahagi ng maaksyong eksena dumarating ang mga kapulisan. Yung mga sampalan, iyakan, at ang kiligan to the max na eksena. Yung bloopers kada finale, andyan rin.

Naknampota, may bago pa ba sa mga ‘to? Kung tutuusin, ito pa ang irony sa atin e: ayaw na ayaw nating nakikita ang kapwa natin na magdrama, pero mahihilig naman tayong manood ng teleserye. Ang drama rin ng mga hipokrtiong ‘to e no?

Eh ano ba ang natutunan natin sa kapapanood ng telenovela?

Una, hindi mahalaga ang pag-aaral. Pag-ibig ang dapat na pairalin. Kung papansinin kasi, kadalasan ng mga eksena sa eskwehalan ay panay sa canteen lang, o ‘di naman kaya’y sa quadrangle, hallway, at sa classroom pag wala pa ang titser. Kasama ang magkalove team, at panay landian, este, ligawan ang usapan nila. Kung hindi man yun, yung pagtatanggol sa mga nangbubully sa kanya na kapwa estudyante rin.
Pangalawa, hindi masamang manakit ng kapwa basta sa nagalan ng pag-ibig. Siraulo lang ang maniniwala sa ganyan. Sino ba namang tanga ang magsasabing TAMA lang ang pumatay ng tao, manaksak ng kapitbahay na tsismoso, sagasaaan ng sasakayng humaharang sa dinadaanan mo, lasunin ang botsong mong karibal, sa ngalan ng pagmamahal mo sa kanya? Sige nga!
Pangatlo, ang buhay natin ang sadayang marahas. Malungkot. Malupit. Okay sana e. Kaso kailangan mo pa bang dadagdagan ng hinagpis ang araw-araw na buhay niya? Stress na siya sa trabaho, at umaasa na may makitang magandang bagay naman siya sa pamamagitan ng panunood sa telebisyomn, tapos pasasakitin mo pa ang ulo niya? Dadagdagan ang stress level nya na parang gusto niyang patayin ang kontrabida dahil sa pagsasaboy nya ng asido at kumukulong sabaw ng tinola sa kanyang inaaping bida?
Pang-apat, okay lang maging emosyonal. Tao ka e. Okay din sana, kaso ‘di ba palaging naiuugnay sa kamalian rin ang palagian maging emosyonal?
Pang-lima, walang pinipiling edad o kasarian ang pagmamahal. Oo, tama nga naman. Kaso kung mala-out of this world naman ang exploitation o paglalarawn nito, parang hindi na yata tama ‘yan. Alam ko na nageexist ang mga May-December love affair. Pero kung hindi ito maitreat nang tama, e pumapangit din ang tingin ng tao d’yan. Ganun din sa mga nagmamahal na same sex.
At panghuli, ang ating buhay ay isang malaking teleserye. Alam na namin yan. Pero please, gusto naming maging natural at hindi tulad ng mga nakikita namin sa pelikulang the Truman Show.

Kaya tignan mo ang lipunan natin: Punong-puno nga mga madadramang tao. Naging emosyonal sa halip na maging parte ng mga nag-iisip. Kaya tignan mo pag gumawa ng desisyon sa buhay, dala palagi ng bugso ng kanyang nararamdaman. Marami rin ang umaastang mataas (kahit kung tutuusin ay hamak na jejemon lang naman sila), siga, at gusting mang-api ng tao pag nabadtrip siya sa kanyang kapaligiran.

Kaya ito lang ang aking mungkahi ukol sa mga teleserye.
Gamitan n’yo naman ng creativity ang mga akda n’yo. Sorang generic na kasi e.
Wag i-prolong ang mga kwento kung dapat lang ito umere sa nakatakdang panahon. Nakalulungkot lang n ahinahabaan yung kwento na to the extent na pinapaikot lang ng mga ‘to ang istorya e.
Kung landian lang ang eksena, huwag itong gawin sa eskwelahan. At kung may eksena man na ganun, palitan ang rating mula PG. gawin itong SPG at paalalahanan palagi ang mga manunood na mag-aral muna bago lumandi. Nasisira ang imahe ng akademika dahil sa romantisismo.Uso ang mga tulad ng motel, 'di ba?
Wag nyo namang pangalanan sa mga titulo ng kanta ang mga teleserye. Okay pa ang mga libro e. Nasisira ang tunay na halaga ng musika dahil sa pagagawa ng kwento ukol rito e. ang tatlo o apat na minutong pinapakinggan ay nagiging ilang mga buwan ng panunood. Nakakaurat lang.
Kung alam n'yo na kamalian ang ginagawang eksena, wag masyadong i-glorify. Nagmumukha tuloy na tama ang maling halimbawa eh.
Kung pwede lang, huwag masyadong marahas. Drama ang genre n’yo, ‘di ba? Hindi naman action. Buti sana kung action talaga ang ginagawa. Kaya tuloy wala nang gumagawa ng action movies sa Pilipinas e.
Maging realistic. Nasagasaan ng pison, buhay pa rin? Sabagay may mga eksena kasi na tinatago tapos ineere sa takdang panahon e. Kaso parang niloloko n’yo pa rin kami dahil alam na namin na nahulog na siya mula sa ika-50 palapag, tapos wala pa ring galos? Wag nyo naman kaming gawing gago, no! Alam namin na hindi siya superhero at tulad naming ordinaryong mortal lamang.

Hay, naku. Tama din si akoposijayson. Less drama, more informative programs, o kung ano pa man yan na kelangan ng tao.

Tama. Ang mahalagang bagay ay masdapat napapanood at mas kailangan natin. At hindi kasama rito ang mga teleserye.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

6 comments:

  1. hahaha! this made me smile. come to think of. We are now living in the 21st century and yet panay teleserye yung nasa TV. Sometimes I wonder if they could bring back the cartoons or educational shows for kids. Like Sesame Street, Batibot... shows nung 80's.



    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! Sad thing to tell though. I'm having the same thought on those kiddie shows. Naabutan ko pa ang mya nung 90s.

      Delete
  2. That's why the only local channel I like is GMA's news channel, NEWSTV Channel 11. Puro documentary or newscast lang, mula morning til night! Dapat ganito ang ipinapalabas nila sa mga telebisyon, mabubusog na tayo sa bagong kaalaman, nakakawala pa ng stress!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama! I used to watch that one either, with the same other type of news channels in free TV like Solar News and Aksyon TV.

      Well, kung entertainment man ang usapan, I'd refer comedy instead of drama though. or those throwback programs at Studio 23.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!