19 July 2013

Batas Versus Human Rights?

7/19/2013 | 8:00:00 PM | Friday

Minsan, natatanong ko na nga lang ito sa sarili ko: “Talaga bang magkakontrapelo ang batas at karapantang pantao sa ating lipunan?”


Ito kasi yan. Kung mapapansin mo ang mga kaganapan sa nakalipas na buwan, kapag may mga marahas na pangyayari sa ating lipunan na involved ang mga kapulisan, agad naman itong binabakbakan ng Commission of Human Rights.

Kunsabagay naman kasi, dapat maging marahas talaga ang nature ng batas. Parang kasabihan na "Dura Lex Sed Lex." Kaso malalaman ba talaga natin ang “harsh” sa “too harsh?”

Ito nga napapansin ko sa ilang mga senaryo e. Pag sa eksena ng demolisyon, ang mga iskwater, pag tinataboy na sila ng mga demolition crew, to the rescue kaagad ang CHR. Samantalang kapag ang mga alagd ng batas ang binato ng bato, mga debris mula sa kanilang winawasak na bahay at ultimo ang dumi ng tao, e tila tameme lang ang mga taga-Human Rights. E paano pa kaya kung may nasugatan ding mga kapulisan? Wala sila?

Ano ‘to, gaguhan? At ano naman ang posibleng dahilan kung bakit ganun? Ang kasabihang “those who have less in life, should have more in law.” Okay sana, kaso may problema pa rin. Hindi lang sila less in life e, less din sila sa law. Pustahan, hindi naman alam ng bawat sinuman dun ang mga mahigpit na ipinagbabawal sa mga pwedeng gawin. Hindi sana masama ang dating ng CHR dito. Kaso, mukha kasing one-sided o bias ang datingan e.

Alin pa? dahil sa pulis sila, malakas ang dibdib nila pagdating sa panganib? Teka, tao pa rin naman sila, ‘di ba? Nasasaktan din. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang matigas ay nanatiling matigas. Humihina rin naman sila kahit paminsan-minsan. Patas lang sana tayo.

Ito pa, sa kaliwa’t kanang insidente ng tila extra-judicial killings sa Davao City, umaalma na naman ang mga taga-CHR. Mali nga ba ang ginagawa ni Mayor Rodrigo Duterte para sa chairperson ng CHR na si Loreta Rosales? Kung sa mata niya siguro, oo. Wala na raw kasing due process. At yan ang problema kung tutuusin. Masyadong kalmado ang sistema ng hustisya sa ating bansa. Kaya tignan mo ang kawatan sa ibang lugar maliban sa Davao, malayang nakagagawa ng krimen.

Anong excuse dito? Miranda rights ba? Ang mga salitang binibigkas na “may karapatan kang manahimik at anuman ang masasabi mo ay posibleng magamit laban sa iyo.” E kung hindi ganun ang istilo dapat ng pagsupil sa mga kawatan e dapat palang gayahin si Mayor Duterte kung tutuusin. Nakatatakot man sabihin, marahas man ang katotohanan pero ganun lang talaga ang pamamaraan kung paano mapapaamo ang mga tupang maiitim ang budhi.

Kasi kung ipagtatanggol pa ng CHR yan ng sobra-sobra e hindi na ako magtataka kung bakit darami ang mga biktima. Parang pakiramdam tuloy nila na hindi na safe ang kanilang kapaligiran. Parang ang datignan ay bakit pa mas pinagtatanggol ng mga ‘to ang mga karapatan ng mga criminal? Paano kaming mga biktima?

At tuloy-tuloy pa rin na umiikot sa isipan ko ang tanong na iyan: Magkakontrapelo ba talaga ang batas at human rights?


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.