20 July 2013

Bianca and The “Squatting” Reactions

7/19/2013 8:31:35 AM Saturday

Mainit-init na balita sa social media ang patutsada ng batikang TV host na si Bianca Gonzalez sa Twitter kamakailanlang.

 


Oo nga naman kasi, bakit nga ba kasi bine-baby ng gobyerno ang mga iskwater? Maraming dahilan, maliban pa sa mapulitkang motibo ng ilan sa mga taong nakaupo.

Ang dami kayang nagkukumahog na maghanap-buhay para lang magkaroon ng sariling bahay. Nakakalungkot nga naman isipin kasi. Lalo na’t karamihan sa mga nagtatrabahong nilalang sa gitnang antas at pati na rin sa lower class (na may sariling bahay at pamumuhay) ang lubos-lubos na nahihirapan. Nagbabayad sila ng buwis, tapos hindi naman sila ang nakikinabang. Parang ang datingan tuloy sa kanila ay “Ano ‘to? Charitable institution ang pinopondohan namin? Asan yung sa amin dapat?”

Alam ba ito ng madla? O dahil saydang walang boses ang nasa gitna? Walang bayag para magsalita ng kanilang hinaing? Buti nga nay mag-voice out na tulad ni Bianca e.

Ang problema nga lang, hindi ito nagustuhan ng grupong KADAMAY. Kunsabagay naman kasi, iba kasi ang istilo ng pamumuhay ng mga maralita sa mga tao na nasa ibang estado ng pamumuhay. At sa totoo lang kasi, hindi naman lahat ng mga nasa iskwater ay iskwater talaga. Ang iba d’yan, dala lang din talaga ng desperasyon na makaangat sa buhay, kaso sa hindi kabutihang palad e hindi ganun ang naranasan. Talagang desperado ang magiging datingan.

Wildfire nga lang ang naging reaction ng mga netizen sa pahayag na ito ni Bianca. Bagama’t may mga kumalaban din sa kanyang opinyon, marami naman ang sumang-ayon. Naka-agaw nga lang ng pansin ko ang isa sa mga tumira sa kanya na out of hand na ang reaksyon. Yung iba kasi na nasa ganung kababa ng pamumuhay, may gana pang magalit nang wagas sa halos kung sinu-sino sa Facebook, Twitter o sa kahit saang website pa; sa halip na dapat atupagin kung paano nila maiiahon ang sariling buhay mula sa pagiging parasite, palamunin, tambay, patapon o kung anu-ano pang mga tinatawag sa kanila ng kapwa nila (Anong akala n’yo, mga matataas na matapobre lang ang nagbabansag sa kanila ng mga ganung kataga?).

Labas na sa isyung ito ang kanyang pagiging mataas o ang pagkalagay sa alta soysal na kabuhayan. Tingin ko, hindi siya nagmamataas sa tweet niya na yun. Nagiging concern lang din siya sa mga taong tinutukoy nya na “naghahanap buhay para lang magkaroon ng sariling bahay.” Kaya bottom line, hindi mga iskwater ang kawawa dito? Alam ko kung sinu-sino? Yun yung mga nasa middle class.

Walang masama sa pagtulong sa kanila. Ang sa akin lang, huwag mo silang palamunin ng pera. Tama ang nagsasabi na “band aid solution” lang ang mga yun. Ika nga ng isang scripture sa Bibliya, “Huwag mo silang tulungan na manghuli ng isda. Turuan mo sila kung paano makabibingwit nito.”

Kaya bago ka magreact sa mga tinatawag mong “elitista,” isipin mo muna kung ano ang pinaghuhugutan nila. Lahat naman kasi ng mga hinaing ay may ganun. Kahit kontra ka sa sinabi ni Bianca, wala ka pa ring magagawa. Dahil siya, maliban sa sikat, may malasakit. Habang ikaw na panay reklamo, o ano? Reklamo na nga lang gagawin natin?

At ito lang ang patunay na mas matindi pa ang Twitter kesa sa mga nakaraang World War kung sandatahan lang naman ang usapan.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.