Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 July 2013

College Basketball: More Fun In The Philippines.

7/11/2013 | 6:56:28 PM | Thursday

Isa sa mga pinakaastig na parte ng sposrts at school life sa kamaynilaan ang college basketball.

Pero bakit nga ba maituturing na “More fun in the Philippines” ang mga collegiate leagues, partikular na ang basketball?



Una, ang sport mismo. Oo, ang basketball nga. Popular na sport ito kasi sa ating bayan. Hindi naman tayo tulad ng karamihan ng mga bansa na ang pinakatanyag para sa kanila ay ang football. Mas trip pa anting tignan ang mga nagkakape sa ere habang tumitira ng lay-up, ke half-court man o fastbreak. Mas gusto pa natin na manood ng mga nagliliparang tao na either idadakdak o susupalpal o kukuhain ang bola bilang rebound.

Pangalawa, ang mga atleta. Siyempre, appealing sa mga kolehiyala ang mga gwaping na atleta. In fact, iilan sa mga atleta ngayon ay may sideline na pagiging modelo. Hindi lang sila naging heartrob sa court, mga nagiging endorser pa ng mga athletic apparel o kung anu-ano pang mga bagay na ibinebenta sa merkado, o nagiging tampok na cover boy pa sila ng mga magasin.

Pangatlo, ang programa ng eskwelahan mismo. dito mo makikita kung anong koponan o eskwela ang may mga magagaling na manlalaro at epektibong programa. Lalo na kung nangangarap ka na maging basketball player noon, baka iniisip mo na sana mapabilang ka sa alinman sa mga eskwelahang ito. Dito morin makikita ang mga talento na pumapasok sa mga ligang tulad ng Asean Basketball League o ang Philippine Basketball Association o PBA.

Pang-apat. School pride. Maraming nagpapatayang mga fans para lang sa pride ng kanilang eskwelahan, lalo na kung mortal na karibal pa ang nakaharap ng mga manok nila. pero ang patayan na tinutukoy ko ay hindi literal, dahil…

Pang-lima. Mga sibilisado naman kahit papaano ang kanilang mga supporter. Hindi ito tulad ng mga liga sa kanto o ni sa iba, ke amateur man o propesyonal, na halos magsapakan na ang kapwa fans ng magkabilang koponan dahil sa tindi ng init ng napapanood nila. Dito mo makikita ang mga edukado at sibilisadong sports fans sa kabila ng maiingay nilang cheer sa loob ng dalawang oras (o technically, 40 minuto ng laro).

At pang-anim, panahon. Walang sinasanto ang edad dito. Kadalasa’y mga bata ang nanunood. Pero meron ding mga matatanda na. yung mga alumnae na nila mismo, pero sumusuporta pa rin sa liga at eskwelahan nila.

Hindi man ako miyembro ng alinman sa mga eskwelahang kabilang sa University Athletics Association of the Philippines (UAAP) o kahit ang National Collegiate Athletic Association ng Pilipinas (NCAA), pero ke sa TV man ako manood o sa venue mismo (ke sa Blue Eagle Gym man yan sa loob ng Ateneto campus, sa Big Dome o ultimong sa Mall of Asia Arena), napapansin ko ang mga ganitong bagay. Mga bagay na nagbibigay excitement at kahulugan sa mga laro sa collegiate basketball.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!