7/21/2013 1:55:09 PM Sunday
Babala: Ang mgamababasa sa post na ito ay pawang mga kathang-isip lamang. Naglalaman rin itong maseselan at sobrang brutal na lengwahe na hindi angkop sa mga supot angutak. Pero huwag rin masyadong seryosohin ng husto, baka mabaliw ka d’yan sakinauupuan mo. Patnubay ng mga maturedna kaisipan ang kinakailangan.
Mga hindi ko naminamahal na kaibigan… (Tama, “hindi ko nga minamahal.” May angal ka?)
Maraming salamat sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo, hindiako mag-aangas ng ganito. Hindi ako bibira na parang ako’y nabiktima ng bullying sa eskwelahan o sa internet. Hindi ako aasta na kala mo’y matapobre nilalang osinumang kontrabida sa inyong paboritong telenovela. Wala lang, gusto ko langang ganitong pagtrato sa inyo. Sinasalita ko lang ang lengwahe n’yo. Kaya walakayong karapatan na umangal na parang “nakakalalake ka na ha?” o “umalis kalang saglit, lumaki na yang ulo mo ha?” Dahil tatandaan n’yo, hindi ako nagingganito kung hindi dahil sa inyo!
Teka lang, baka nakalimot yata ako ah. Sino nga ba ulit akosa inyo? At sino na nga ba rin kayo sa aking paningin ngayon? Ano, mga “kaibigan” ko? Mga ULOL! Kaibiganin n’yo yang mga mukha n’yo!
Yan ba ang tinuturing kong kaibigan? Noong nasa eskwelahantayo, ako ang pinagbubuntungan ng mga asar at prangka? Sa panahong nadapa akosa kalye at muntik nang masagasaan, ni hindi n’yo nga ko tinulungan at bagkuspinagtawanan pa? Inalok n’yo ko ng inuman tapos may betsin pa palang nakapaloobsa alak? Pag tumawag ang kaanak sa cellphone, magboboses babae kayo na kalan’yo ay nakikipag-sex tayo?
May gana pa kayong lagyan ng bag ko ng bato? Kaya pala akonakulong dahil sa kasong “illegal possession?” Tapos palihim na nilagyan ngalak ang mga labada ko kaya ako di makapasok pasok dahil sa nilasing n’yo angmga damit ko? Pati underwear ko damay. Kaya nga wala nang pumatol na tsikas saakin dahil daig pa ng champoy ang nangyari sa manoy ko!
Ngayon, may gana pa kayong magalit porket hindi na akosumasama sa niyo? Bakit, may reunion na ba tayo e iilang taon pa lang mulanoong grumadweyt tayo? Lakas makatampo ng mga kupal samantang ang kakapal namanng mukha kung alipustahin ako pag kasama n’yo ako?
OO. Tinatakwil ko ang mga putangina n’yo! Nang dahil sa inyonaging tatanga-tanga ako sa mata ng tao! Ngayon, huwag n’yong sasabihin na akopa mismo ang may kasalanan. Dahil kayo na nga dapat ang umaalalay sa akin, kayolang nakaaalam ng mapait na kahapon, kayo na rin ang nakaaalam ng kwento ngbuhay ko, tapos sisnira n’yo pa?
Gago, huwag kayong magtampo kung bakit sa t’wingnagja-jamming kayo kasama ang mga halaman, o para madaplisan ng alcohol anginyong mga halang na bituka, ay wala na ako. Nagbagong buhay ako. Obvious naman‘di ba kaya lumayo na ako sa inyo?
Nassan kayo noong kailangan ko ng tulong? Noong sinalantaako ng kalamidad e para kayong bula mula sa tubig ulan na nawala bigla? Halossumampa na nga ako sa kaprasong kawayan para lang maligtas ang sarili ko?
Nagkahulian ang mga pulis at kayo dapat ang dinampot. Aba’yako ngang napadayo at walang kaalam-alam sa mga pinaggagagawa n’yo, ako pa angnahatulan ng pagkakulong?
Ni ako pa nga ang napagkamalang kumopya ng mga sagot sa quiznatin samantalang kayo ang gumagawa nun.
Inuulit ko, nasaan kayo noong nadapa ako? Noong kailangan kong kamay para makabangon? Wala kayo! ako mismo ang bumuhat sa sarili ko atpinasan ko ang mga gamundong pasakit na dala n’yo!
O baka naman lumalapit lang kayo dahil una, angat na ako sabuhay? Pangalawa, may pera na ako? Pangatlo, maraming tsikas. Pang-apat,maraming bahay at lupa? At panglima, dahil mas gwapo na ba ako sa inyo? Ganun?Sing-kapal din ng mga palad n’yo ang mga pagmumukha n’yo no?
Humihingi kayo ng tawad sa akin? Ulol, maligo muna kayo saihi ko bago ko kayo patawarin sa mga kalokohan n’yo!
At huwag na kayong magtatangka na gambalain pa ang buhay komagsagawa ng planona maghiganti laban sa akin. Dahil baka magsisi lang kayo na malaking mama naang pandak na binabangga n’yo palagi. Baka kayo pa ang matumba sa mga bantaniyo.
Sinulat ko lang naman ito para matahimik na ang mga putapeteng tulad n’yo!
Hindi nagmamahal, (malamang)
(Teka, bakit ko ilalagay ang pangalan ko?)
Ang dati niyong binubully na “kaibigan” na ngayon ay isanang action-star at boss sa kumpanyang pinagtatrabahuan mo.
(P.S. author’s note:oh, teka, baka madala ka d’yan ha? Sinabi ko na sa babala yan kanina)
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eighrpdocutions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!