7/26/2013 6:56:23 PM
Isa as mga nauusong bagay sa mga social networking site ang
tinatawag na hashtag. Nagsimula ito sa Twitter, at naglaon ay nagamit rin sa
Tumblr, at Instagram. Ang mga salita na ginagamitan ng hashtag ay ang mga
nagsisilbing label o topic. Pwede ring expression.
Kaya naman nakiuso na rin sa hashtag craze ang
pinakapremyadong social networking site na Facebook.
Naku, pati pa naman #fb, may #hashtag na rin?
Okay sana .
Walang masama kung makiuso di ba? Kaso may napansin lang ako. Hindi sa lahat ng
oras ay akmang gamitin ang hashtag. At consider mo na rin na karamihan sa mga
user na sobrang social networking savvy ay ang mga taong panay hashtag lang ang
alam na gawin sa buhay. Dinaig pa ang literal na socialite.
Mabuti sana
kung ganito:
Ang mga trending topic na tinutukoy ay may kabuluhan. Tulad
na lamang ng mga event na karapat-dapat na maging trending. Yung mga bagay na
nmagiging involved talaga ang mga netizens. E paano kung mababaw na bagay lang
yan, tulad ng mga insidente ng video na naging viral? O yung mga baduy na
pinapauso sa mainstream kahit sobrang TH na ang approach? Patay tayo dyan. Mas
okay pa nga ang mga topic ng the Morning Rush o ng Boys Night Out kesa sa mga
bagay na may kinalaman sa mga artistang baduy, samahan mo na ng mga palabas
tulad ng #Day (halimbawa:
#AngPag-IbigSaBalatNaTinalupanDay256).
Kung expression lang naman, pwede pang makunsidera e. Tulad
ng #ShutanginaMoBeks, #AlamNa, #Dyahe/AwkwardMoment.
Pwede na rin siguro yung mga bagay-bagay na talagang
ginagawa sa social media, pero wag nga lang lalabis ha? Baka naman kasa kantang
pinapakinggan mo e iniistatus mo pa. baka mareklamo ka bilang SPAM nyan sa kada
pagpopost mo ng #NowWacthing o #NowPlaying.
Huwag naman masyadong maraming hashtag. Baka yun lang ang
naintindihan namin sa kada post mo. Parang ganito: “Ay, fresh from the bath!
#BagongTuli #BinataNaAko #SelfieMunaPagMayTime #HappyCircumcisionDayToMe
#AngPogiKoTalagaPagBagongLigo #Selfie #Binata #Pogi #BagongLigo #Ligo”
Grabe naman yan. Kung sa Twitter mo pinost yan na may habang
140 characters lamang, e wala na kaming naintidihan. Enough na yung simpleng
mensahe at kaunting hashtag. Halatang famewhore ka din e no?
Kung tanggap naman ng tao, at nasa sibilisado pa rin ang
pamamraan ng pagpopost mo, okay sa alright ang hashtag.
Ang pagkakaroon ng social networking account at paggamit
nito ay isang karapatan at prebilehiyo. Wag tayong umabuso ng sobra-sobra,
kahit sa hashtag pa ang usapan.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!