7/24/2013 7:44:46 PM
4Ps, sadyang nakakatulong nga ba sa ating mga kababayan? Ano
sa tingin nyo, mga ‘tol?
Dito nga nabuo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, o
4Ps. Kasama na rin sa 4Ps na ito ang CCT o ang tinatawag na Conditional Cash
Transfer program. Naisakatuparan nga lang ito noong panahon ng panunungkulan ni
President Noynoy Aquino.
Sa CCT, makatatanggap ng salapi pangutlong ang bawat
pamilya. Pero ito ay may kaakibat na kundisyon, at ang mga kundisyong ito ay
may kinalaman para sa kanilang welfare, kabilang na d’yan ang pagpapanatili sa ayos ng kanilang edtado sa
mkundisyon ng klanilang kalusugan, at ang pag-aaral ng kanilang anak.
Minungkahi pa nga ng isang senador na dagdagan pa ang
maibibigay para sa mga ito, partikular na para sa pag-aaral ng isa sa kanyang
kolehiyo
Ganun? Okay sana
ang proyektong ito. Pero kunsabagay, sinasala rin naman na ng DSWD ang mga
pamilyang karapat-dapat na bigyan nito. Malungkot nga lang siguro na hindi
lahat ay makatatanggap nito dahil ang iba kasi sa mga mahihirapna sektor, kung
hindi nanamantala, e gumagarapal din sa pag-aabuso. Tulad na lamang daw ng iilang
pamilya na pag nakatanggap na ng salaping biyaya ay inuubos naman ito sa
kanilang bisyo tulad ng pagsusugal, at kung anu-ano pang hindi kanais-nais na
bagay.
Pero kung tatanungin ako kung permanenteng solusyon ba dapat
ang CCT? Sa malamang, hindi, at hindi ito dapat maging long-term solution.
Bakit kanyo? Marami pang mga bagay na dapta pang pagutuunan ng pansin ang bawat
buwis na binabayaran ng isang may-kayang mamamayan. Umalburoto na nga sila sa
18 libong piso na ipapamahagi a mga informal settler e. parang ang dating kasi
tuloy ay, “teka, kami ang naghirap at nagbayad ng buwis ah. Bakit hindi namin
maramdaman ang mga inaambag namin? Lalo lang kami nagiging mahihirap!”
E kaso kasi tungkulin din ng ating pamhalaan ang pangalagaan
ang mga mamamayan na kapos a pamumuhay. Ganun? Oo, ganun nga. Tulungan na lang
ba.
Ang problema lang kasi, baka yung iilang mga pamilya ay
tuluyang umasa sa biyaya ng gobyerno sa halip na dapat ay magslibi sanang
phunan ito para makaahon sa kanilang buhay, kahit sa mabagal na pamamaraan
lamang.
Yun nga lang ang problema. Sa kabuuan, okay tong CCT pero
sana sa pagdaan ng mga panahon, may mas magandang programa pa ang 4Ps na hindi
magreresulta sa “pera” na lang ang magiging solusyon. Hindi madaling kitain to.
Kaya kahit sinong nagbabayad ng buwis ay talaga namang nagiging metikuloso
pagdating dito, lalo na’t sa paglipas ng panahon, tumatalamak ang mga kaso ng
korapsyon sa ating bayan.
Huwag lang sana
tayo palaging mag-resort sa “band-aid solution.” Dahil tiyak hindi ito ang magandang
paraan para sa inaasam anting “pagbabago.”
Author: slickmaster | ©2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!