7/16/2013 | 8:04:46 PM | Tuesday
Sa pangalawang pagkakataon ay ipi-feature ko sa blog na ito ang isang bagay na tahasang naglalarawan ng katatwanan sa pamamagitan ng pagkanta kahit na hindi orihinal ang tugtog. Ito ang tinatwag na “parody.”
Sa halos kalahating dekada ay nagiging isa sa mga paborito na rin ng mga tagapagpakinig ng istasyon na iFM ang Kamote Club, particular na ang tandem nila Sir Rex Kantatero at Pakito Jones.
May mga mangilan-ngilan din akong paborito sa kanilang mga parody, pero sa pagkakataong ito, ay itatampok ko naman ang isa sa mga recent favorites ko sa kanila – ang pagparody sa pangalawang worldwide hit ng Korean raper na si Psy – ang Gentleman.
Hindi ko man napakinggan ito ng live, e ayos lang. May YouTube naman e. Nakakatawa lang kung paano nila napeperpekto ang pagkanta ng mga parody, no? Manyak Ka Na Gentleman, tumatalakay sa mga kalokohan ng isang may-asawang lalake. Mga pasimpleng pambabae kahit may anak na, o baka di pa nadala kahit inintriga na.
Kung tutuusin tumugma nga ang nota o tunog ng mga letra sa orihinal na mga salitang yan e. Nag-rhyme ba. Tapos, sakto ang execution e. Malinaw ang kwentong nilalahad. Saka siguro ito rin ang nagbibigay ng aliw at katatawanan sa mga listener nito.
Kaya sa duong ito, ayos. Good job, kahit hindi ako listener ng istasyon pero ito lang ang patunay na kahit sa masa station ay may kalidad pa rin ang entertainment… well, kahit papaano.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!