7/16/2013 | 7:55:35 PM | Tuesday
Isa sa mga tanyag na parodista sa kasalukuyang panahon si
Byron Racamara, o mas kilala bilang si Sir Rex Kantatero ng istasyon ng radyo
na iFM. Ang kahati ni Pakito Jones sa parody duo ng Kamote Club sa naturang
istasyon. Pero hindi parody ang usapan natin sa puntong ito.
May sarili siyang kanta, bumebenta na nga ito sa airplay ng
istasyon at pati na rin sa mga download ng mga kanta sa iTunes e. Pare,
tumutukoy lang naman sa lihim na pagtingin ng isang bading sa kanyang… well,
kumpare. Bagamat orihinal niyang kanta ang “Pare,” hindi na rin bago ang tema
ng kanyang mga kinakanta, parody man o original. Isa kasi ang mga pagiging
bading sa mga kwento na kinekwento nila sa pamamagitan ng musika.
Well, at least hindi lang pala siya pang-parody lang. Kaya
ang katabaan ng kanyang utak sa paggawa ng mga bagay ay nagpatunay lang sa
kanyang kakayahan bilang isang DJ-slash-station’s spot producer-slash-internet
sensation.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!