07/16/2013 7:47:03 PM
Malamang sa malamang, iilang buwan na rin ang nakalipias mula noong gumawa ng ingay sa mainstream ang iilang mga emcee at rapper mula sa isang kilalang underground rap battle league sa bansa. Andyan ang mga tulad ni Loonie, Abra at Smugglaz.
At marami pa nga na sumusunod sa yapak nila, tulad na lamang ni Basilyo. Siya ay isang miyembro ng grupong Crazy As Pinoy, na naging isa sa mga nakipagpaligsahan sa segment nun ng Eat Bulaga na Rap Public of the Philippines.
Ngayon ay parte na siya ng isang album na kinabibilangan ng ilang mga batikang rapper sa underground na pinamagatang Homegrown, habang patuloy na nakikipagbunong-salita at tugma sa mga torneo ng rap battle league na FlipTop.
Pero iba ang kanta niya sa mga tipikal na pinapakinggan na musika. Hindi lang dahil sa rap ang genre niya, dahil na rin sa naiiba ang tema ng kanyang kanta – sobrang pagkakaiba lang mula sa mga rap ng parehong underground at mainstream na panay umiikot sa romansa ang kwento. Itong adkdang ito ni Lord Divino Ignacio ay tumutukoy lang naman sa mga pagkakalimot ng tao sa kanyang pananampalataya sa relihiyon niya.
Kung pagbabasehan ang kanyang mga interview, aniya, ang kantang ito ay isa sa mga naglalarawan sa kanyang buhay. Literal na humihingi ng tawad sa kanyang pagkakasala sa mata ng Diyos. Sa mga pagkakataon na hindi isnasapuso ang pagsisimba, ang bawat panalangin, ang bawat biyayang natatamo.
Kung tutuusin pa nga ay nag-iba ang timpla ng kanyang tunog noong nagkaroon pa ito ng sariling music video na nilaunch nitong nagdaang Hunyo 14 sa Anonas, QC. Sa kabutihang palad, pumatok ito sa masa sa pammagitan ng pagpapatugtog sa radyo at palaging pag-rape ng playback button sa YouTube.
Kung ako ang tatanungin, bagamat ang opinyon ko ay na medyo hindi ganun kaakma ang ilang mga parte ng konsepto ng music video na ‘yun sa naturang kanta, maganda ang mensahe ng kanta. Siguro, binuksan ko na lang ang aking kamalayan sa katotohanan na ito ang gusto niyang ilarawan at nirerespeto ko yun.
Napakalinaw. Matutunong tumanaw ng utang na loob sa kanya kung sa tingin mo ay maraming magandang bagay na nangyayari sa ‘yo sa tulong ng kanyang patnubay.
Hindi siya tunog na parang nangongonsensya. Andun yung mensahe, pakinggan niyo na lang.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
"Lord Patawad" really is a chartbuster. Though at first it sounds annoying because of its rhythm, its lyrics naman reveals a good and realistic message that is very timely. I guess this one's really awesome :)
ReplyDelete