Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 July 2013

Playback: Joey Ayala – "Papel"

7/19/2013 4:45:35 PM 

Maiba naman tayo. Kung panay underground ang madalas nating tinatampok na musika (bagamat may mainstream na rin lately), ito naman ay isang entry sa isang OPM contest ngayong taon.

Isa sa mga kantang kalahok sa Philpop festival ang kantang ito. Madaalas kong marinig ang ilan sa mga entry sa patimpalak na ito sa Radyo5 92.3 News FM. Pero sa isang kanta lang ang nagustuhan ko ng lubos.
Ang kantang ito ay tumatalakay sa “papel.” As in parehong literal at piguratiba na ibig sabihin. Sa parehong mababaw at malalimang pag-unawa, oo nga, ito ay tumatalakay sa Papel. Sinulat at nilapatan ito ng awit ng isang baitkang mang-aawit na si Joey Ayala. Parehong tipikal na istilo ang klanyang pagkanta na hinaluan na lamang ng modernong tunog. Naalala ko tuloy ang mga cassette tape ng erpat ko sa pakikinig ng kantang ito.


Kasama ni Joey sa pag-interpret ng kantang ito ang rapper na si Gloc-9, ang kanyang protégé na si Denise Barbacena at Silverfilter. Ang music video na ito ay dinirek ni J. Pacena. At kabilang sa album-compilation ng mga kanta na naging finalist sa 2013 Philippine Pop Music Festival sa pamumuno ni Maestro Ryan Cayabyab.

Ang aking say sa kantang ito. Hmmm, katulad ng aking nabanggit kanina. Tumatalakay ito sa parehong mababaw at malalimang pag-tingin ng tao sa papel. Halos buong buhay natin ay gumagamit tayo ng papel. Kada araw, gabi, oras, minuto, lingo, bhuwan, tao, dekada at ultimong siglo.

Masyadong malalim ba? Pangit ba at hindi ito nag-appeal sa iyong pandinig? Sabagay, hindi kasi ito ma-appreciate ng mga tao na ang alam lang sa pop music ay ang kabawan at kabullshitan. Isama mo na yung mga pasikat na “talent” kuno, at yung mga naadik ng sobra-sobra sa musika ng banyaga. Hindi naman sa nagiging malalim ako, pero ito lang masasabi ko. Kung gusto niyong maunawaan ng husto ang alinmang klase ng musika, patugtogin ito ng ilang beses sa iyong tenga muna.

Mabuti nga may gumagawa ng matinong marka sa OPM kahit papaano e. Hindi yung mga iba d’yan na wagas makapanlait sa OPM palibhasa panay mainstream lang ang napapakinggan. Hindi rin tulad ng mga nagpapasikat sa YouTube pero mas daig pa ng sintunado kung kumanta!

Suporta sa Papel ni Joey Ayala. Manalo o matalo, mabuti na lang kahit papaano may ganito pa. Dapat manaig ang papel nya sa OPM, hindi yung mga mahihilig pumapel kahit ang mukha ay parang na-crumple na papel.

Author: slickmaster | © 2013 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!