Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 July 2013

Selfie Mo Mukha Mo!

7/26/2013 7:10:12 PM

Walang masama sa pagkukuha ng sariling litrato. Pero para gamitin ‘to sa sobrang kaartehan mo, ewan ko na lang.

Marami nga ang umaangal sa inobox ko minsan nung panahon na panay may kasama ako palagi sa mga litrato ko. “Hoy, slick! Mag selfie ka naman!”


Pero kung tuutuusin may selfie pa rin naman ako e. Yun yung mga kuha sa pohotoshoot ko nung isang taon. Ngayon, bakit magngangawa tong mga to na dapat ay magselfie ako? Porket nag-iba na talaga ang itsura ko sa tunay na buhaya t hindi ito nakukuha ng lent eng kamera?

Ang sabi ko na nga lang d’yan ay “kayo na lang mag-selfie tutal kayo rin naman ang nag-suggest. Dadamay n’yo pa ako sa kalokohan n’yo.” Palagi na lang na ganyan ang sagot ko. Pasalamat lang ‘tong mga ‘to na hindi pa sila nakakatikim ng hambalos ko pag nainis ako sa palaging pag-iinsisit nila ukol d’yan.

Pero may masama ba sa selfie? Sa totoo lang, wala naman e. Wala halos. Siyempre, ang mga bagay-bagay na palagi nating ginagamit ay may limitasyon. Kung aabuso ka naman sa pagkakaroon mo ng palagiang selfie, pagkamalan ka ng maarte o vain niyan. At ang sobrang balidoso ay nakasasama sa iyong kalusugan.

Saka ito pa. kung hindi ka naman kagwapuhan o kagandahan, ayus-ayusin muna ang istura bago mag-selfie. Oo, may selife ka nga pero mukha ka namang sabog. Dadami nga ang maglalike nyan, pero hindi dahil naappreciate nila ang itsura mo, dahil gusto lang nilang laitin ka at gawing panakot sa daga. Iba ang pagmamahal sa sarili sa pagkukuha lang ng selfie.

Wag kang magselfie nang magselfie para lang masabing “in” ka. Mahiya ka anman ‘uy. Fame-whore o social climer lang ang datingan? Alam ko, unang pambasag d’yan ay “walang basagan ng trip.” Oo nga naman, walang basagan ng trip. Kaya tignan mo muna ang sarili sa salamin bago ka basagin ng iabng tao pag nagselfie ka. Libre nga ang mag-upload pero binibigyan mo rin sila ng karapatan na laitin ka. Kahit maglagay ka pa bng “bawal lait” d’yan (e alam mo naman ang tao, masarap ang bawal).

Ano, magtatanong ka pa ba na dapat akong mag-selfie? Weh, selfie-hin mo yang mukha mo!


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!