Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 July 2013

State of the Nation Address Na Naman! Eh Ano Ngayon?

7/19/2013 12:31:12 PM Friday
Ops, hindi ito yung palabas ni Jessica Soho sa News Channel ng Siyete ha? State Of the Nation naman yun e, kayo talaga oh.
Pero, State of The Nation Address na naman. OO, in short, SONA na nga ulit ngayong taon. Kadalasan ay sa t’wing ikatlong Lunes ng Hulyo ito nagaganap. Dinadaluhan ito ng mga mambabatas o miyembro ng lehislatura mula sa mataas (Senado) at mababang kapulingan (Kongreso), mga miyembro ng gabinete at piling kawani at iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pati na rin ng publiko in general.
Ang SONA ay isang mahalagang event kada taon, dahil dito nag-uulat ang pinuno ng ating estado (which is yung ating Pangulo). Sa naturang pagkakataon ay nagbibigay siya ng talumpati sa mga anumang kaganapan sa ating bansa sa nakalipas na 12 buwan. Dito rin siya nag-aadress ng mga posibleng plano at platapormang ipapatupad sa mga susunod na buwan, o taon, habang siya ay nasa panunugkulan.
Pero, may bago pa nga ba sa SONA? O may mababago pa ba sa darating na SONA? Oo, State of the Nation Address na naman! Eh kaso, ano naman ngayon?
Malamang, kung may nagbibigay-papuri, meron din naming nagrereklamo. Mga nagkikilos-protesta. Diyos ko po, sa nakalipas na mga taon, palagian na lang may umaaribang “kilos-portesta” sa ating mga lansangan. Minsan, hindi nga lang sa kahabaan ng Don Mariano Marcos avenue e. Pati na rin sa mga lugar tulad ng Freedom Park sa Kyusi, Mabuhay rotunda, Mendiola at kung saan-saan pa.
Kung may mga aktibista, meron din naming mga “otoridad” o yung tinatawag nating mga alagad ng batas. In much shorter term, kapulisan. Natural lang, kasi kung hindi makontrol ng mga aktibista ang alab ng kanilang galit sa gobyerno, e di sila ang susupil sa mga ito. Pero huwag lang sana magkagulo. Dahil kundi sa malamang, babakbakan na naman ito ng CHR.
SONA na naman. Eh ano ngayon? Mahaba-habang panahon na naman ito ng pagbyahe sa kahabaan ng Commonwealth. Siyempre, traffic e, dala ng kilos protestang nagaganap malapit sa Batasang Pambansa. Ang hassle lang. At dahil sa inaasahang mabigat ang daloy ng trapiko, may mga traffic rerouting scheme na ipapa-implementa sa araw na ring iyun.
SONA na naman. Eh Ano Ngayon? Malamang, ang klase sa mga paaralang malapit sa Batasang Pambansa ay masususpinde. Yehey, holiday na naman sila. Tuwang-tuwa sana kaso walang pambaon o ni pang-DoTA man lang. pero alam mo naman ang utak ng karamihan, mas masaya kung walang pasok, ‘di ba?
SONA na naman. At dahil ika-apat na SONA ito ng kuya mo, baka naman may maririnig na naman tayong pasaring sa mga tiwali sa bayan, pati na rin ang nasa nakalipas na administrasyon. Aba’y mantakin mong pati ang sariling event ng isang television newscast at anibersaryo ng mga ahensya ng gobyerno, e walang pakundangan kung pumtakte sa kanila? Well, walang masamang magalit. Tingin ko, kelangan nga natin yan e. ‘Wag nga lang sosobra sa pagiging straight-forward, Mr. President, ano po?
SONA na naman. Eh ano ngayon? Siyempre, may live coverage mula sa media. Matik na yan. Hindi naman puwedeng umabsent ang mga kawani ng fourth estate dahil nag-uulat mismo ang ating Pangulo. Tignan mo, medyo madali na nga ang trabaho nila e. bagamat yun nga lang, ang toxic niyan kung ikaw ay miyembro ng news production team.
SONA na naman, kaya uso ang pagiging fashionista. Maglalabasan na naman ang mga disenyo ng Filipiniana gown at barong niyan, na suot naman ng mga batikang personalidad sa ating pamahalaan. Ika ng ng isang tropa ko sa Facebook, State Of The Fashion Address ang peg. Promahan kung pormahan.
SONA na naman. Kaya uso ang mga salita at palakpak. Uso rin ang mga pangako at patutsada. Pati na rin ang mga balita at trapik. Pero may bago pa ba sa mga ito? Hindi ko masasabi, mga ‘tol. Kanya-kanya tayong pananaw e.
Kung kayo ay tahasang tumututok sa mga pangyayari sa ating bansa, kayo lang din ang makapagsasabi kung may pagbabago bang naganap, o wala pa rin. Nangalahati na nga ang termino ni P-Noy, kaso ang tanong dito ay nasa matuwid na daan pa rin ba tayo o baka nalihis na?

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions. 

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!