22 August 2013

30 Years After Aquino’s Assassination… Anyare?

8/21/2013 4:50:45 PM

Tatlong dekada na ang lumipas noong naganap ito:


August 21, 1983. Araw ng Linggo. Daytime sa Manila International Airport, matapos siyang magbitaw ng pahayag sa media pagdating sa kanyang arrival sa Pilipinas. Nasa daan siya pagbaba sa kanyang sinakyang eroplano ay pinaslang ang isang senador na matinding karibal ng dating pangulo pagdating sa pulitika.


Isang assassination ang naganap. Isang kaganapan na nagtrigger ng pagbabago sa ating lipunan. Ang lipunan na naging Malaya matapos ang dalawang dekada sa ilalim ng isang remihen ng diktador. At ang diktador ay ang isa sa mga sinisisi ng tuambayan kung bakit napatay ang isang Benigno Aquino, Jr. Oo, siya nga. Ang taong kayang tapatan ang administrasyon, sa kabila ng kanyang batang edad sa mundo ng pulitika.

Sinasabing nahuli ang mga assassinator niya, at wala raw itong kinalaman kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Subalit makalipas ang tatlumpung taon, walang hinatulan. Walang malinaw na pangalan ang lumitaw. Nananatiling isang malaking misteryo pa rin ang lahat kahit marami nang nagbago sa takbo ng ating bayan.

Sa madaling sabi, wala pa ring huling salita ukol dito.

Ganito na ba kabagal ang sistema ng hustisya sa Pilipinas? O marami lang tinatago ang iba? Mga bagay na hindi na isinawalat kahit gutom at uhaw ang tao sa kaaalaman ukol dito? Kaya siguro wala na ring gana ang taumbayan na makinig ng balita dahil sa mga inside job, hidden truth, at samu’t saring akto ng corruption sa lahat ng sektor ng ating lipunan?

30 years matapos ang Aquino’s assassination, anyare? Naging isang malaking martsa na ang kanyang martsa sa huling hantungan. Nagbago na ang pamahalaan at naging pangulo na ang kanyang asawa. Naging pinuno na rin ng estado ang kanyang anak. Pero… anyare?

Misteryo pa rin yatang maituturing ang lahat ng mga bagay sa kasong ito. Bagamat kung ang mga anak ang tatanuning, hindi na ito mahalaga sa kanila. 

Pero naisasapuso at isip pa rin ba ng mga Filipino ang kabayanihang dala ni Ninoy? Maari, pero nasa madalang na numero. Nasa T-Shirt at holiday na lang yata maituturing ang lahat. Ang Ninoy Aquino International Airport, naging isa sa mga world’s worst airport. Walangya, nalait pa ng wala sa oras ang bansa at ati na rin ang kanyang pangalan.

Kunsabagay, ang wildlife center na ipinangalan sa kanya ay umusbong naman. Naging venue para sa mga mahihilig mag-pose at nagiging laman na rin naman ng mga balita na may kinalaman sa wild animals na pakala-kalat sa Kamaynilaan. At magkasama na nga sila ni Cory sa bagong limangdaang pisong bill. Ay, teka, yung babae pala ang nadagdag dun.

Pero, 30 years after Aquino’s assassination… anyare?

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



1 comment:

  1. uhm. the late Sen. Ninoy Aquino and the late Pres. Ferdinand Marcos were not "karibal", why?
    facts:
    they went to the same University (U.P.)
    both on the same Fraternity
    close friends - can be proven by their fraternal brothers

    all this "karibal" stuffs are just bullshit to mislead the Filipino people from the truth of who was behind of Sen. Ninoy Aquino

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.