05 August 2013

Aftermath Of A Loss

8/5/2013 1:28:59 PM

Pag-usapan nga natin ang nangyari noong Sabado, Agosto 3, 2013. Natalo ang Pilipinas sa Chinese Taipei, ang isang laro sa FIBA Asia Championship na tula may halong pamumutika ang tingin ng magkabilang bansa. Come from behind ang resulta pabor sa CT, 84-79. Yan ay sa kabila ng palitan ng malaking kalamangan sa pagitan nila sa unang tatlong quarter.


Sinabi kasi ni Coach Vincent Reyes na inaalay niya ang laban na yun sa ating mga kababayang biktima ng mga pang-aabuso sa Taiwan. Kunsabagay, kung titignan kasi ang mga pangyayari sa diplomatikang sigalot… napatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isa sa mga mangingisda na mula sa kapitbahay na bansa. Dahil raw kasi ito sa panghihimasok sa teritoryo natin; at tila pagbalewala pa ng mga taong sakay ng naturang sasakyang pandagat ang pagtangkang paglapit ng PCG para sila’y patigilin muna.

Nauwi ito sa mainit-init at nag-aalab na reaksyon mula sa mga Taiwanese at kahti mga Pinoy.

Pero kung si Rick Olivarez ang tatanungin, maari na raw na isang paghihiganti ang ginawa ng Taiwan dito – at wala itong kinalaman sa usapang diplomatika. Ayon sa isa sa mga tauhan ng media bureau ng FIBA Asia, isang blogger at kolumnista sa larangan ng palaksan, halos parehong kwento ang naganap sa pagitan ng dalawang koponan na ito sa Jones Cup noong 2012. Sa kanyang panayam sa programang Balitang 60 ng Aksyon TV, nilarawan ni Olivarez na ang Chinese Taipei ang lamang sa larong iyun, at hinabol lang ng Gilas Pilipinas ang iskor sa 4th quarter at ninakaw ang panalo sa kanilang home court.

Hmmm…. Revenge na din kung maituturing. Pero dapat bang haluan ibang kulay ito, partikula ng pamumulitka? Sa tignin ko, hindi na dapat e. Bakit? Natural na sa isang laro ng basketball, may nananalo at may natatalo.

Alam ko, masakit talaga sa pakiramdam ang matalo. Lalo na’t nasa home court natin ang labanan sa FIBA at maraming Pinoy na sumuporta sa laban na ‘yun. Bagamat ayon rin kay Olivarez, na sa kabila ng 19 na libong katao na dumagsa sa 8:30 game na ‘yun sa Mall Of Asia Arena ay di hamak na mas malakas pa rin ang crowd factor nung kinalaban nila ang Jordan noong nakaraang Biyernes.

Kaya ganun na lang pagbato ng sisi ng mga tao kay Coach Chot, na inako naman dahilan ng pagkabigo. Pero premliminary pa rin naman, at di hamak na may ibubuga pa tayo pag nakaharp natin ang Japan mamayang gabi, pati na rin ang ibang koponan sa second round tulad ng Qatar at Hong Kong.

At bago tayo magalit kay Coach Chot, isipin n’yo… may ibang koponan na dumaranas din ng malaking dagok sa FIBA Asia ngayon. Ang Lebanon, hindi nakasali dahil sa suspensyong ipinataw sa kanila. At take note, 4 na taon yun magtatagal. Ang Malaysia, namatayan ng sentro, kaya hindi sila maka-iskor na mahigit pa sa 25 puntos sa unang dalawang laro nila.

Saka tayo maglaro ng blame game pag nakarating na tayo sa mga huling bahagi ng torneyo. Suporta tayo hanggang kaya natin. Malaki ang tiyansa ng Pilipinas na makasungkit ng isa sa tatlong ticket sa World Cup ng Basketball na gaganapin sa bansa ng Espanya sa taong 2014.

I'm sure na makaka-bounce back sila.

Tignan ang buong video ng panayam ng Balitang 60 kay Rick Olivarez sa URL na ito: http://news5.com.ph/Videos.aspx?g=BFAEA04A60FB447

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.