10 August 2013

Alaala Ng The Brewrats

8/10/2013 12:15:44 PM

Bagamat hindi ako isang Brewster, isa sa mga programang talagang pinapakinggan ko nun ay ang The Brewrats. Unang sumalang sa himpapawid noong August 2007 sa 99.5 Hit FM (na naging Hit FM, Campus Radio at RT ulit), napadpad rin sa U92 (na naging Radyo 5 92.3 News FM na ngayon). Naging tanyag pa rin naman sila sa mga brewsters sa pamamagitan ng pag-broadcast sa internet.


Ang trio nila Ramon Bautista, Arvin “Tado” Jimenez, at Angel Rivero ay isa sa mga matitinding panapat nun sa Boys Night Out ng Magic 89.9. Pero kahit sa usapin ng kumpetisyon ay nakakatawa lang minsan na may panahon nun na isang segment ay sama-sama ang anim na ‘to pagdating sa kulitan.

Samahan mo na rin ng sari-saring segment kada gabi. Nauso nga ang Sando Night party nga dahil dito e. Nariyan rin ang page-guest ng ilang mga disc jockeys ng kanilang home station, at piling personalidad na regular na tumatambay sa programa nila tulad ni Direk RA Rivera. Pati na rin ang early bird segment na literal na bina-bang (talaga?) ang telepono kung wala kang masabi na kaato-atorya sa kanila, at kahit ang kagustuhan mong i-date si Angel.

Sa loob ng tatlong taon, ay sari-saring pakwela silang ginagawa. At isa sa kanilang malaking proyekto nun sa radyo ay ang drama na pinamagatang “Iputok Mo Sa Labas.” Tunog green ba? Bago mo husgahan, pakinggan mo kaya ‘to.


Aminaso ako na mas nasubaybayan ko pa sila sa 99.5 nun kesa sa ibang istasyon na pinagtrabahuan nila sa larangang ‘yan. Nakakatawa nga lang na may pagaka-fluent magsalita ng English nun si Tado. Si Ramon Buatista ay ang pinakamalakas magbitaw ng mga patawa sa kanilang tatlo. Habang si Angel naman ay maliban sa chicks ang itsura ay mas nakilala sa mala-epikong pagbigkas ng salitang “TAMA!”

Nakakamiss rin palang pakinggan ang barkadahang ito noh, na isa sa mga triumvirate na umusbong sa mainstream radio at mga listening hipsters sa nakalipas na dekada?

Lalo na siguro kung tagahanga ka pa ng kanilang programang Strangebrew noong 2001 sa UNTV.

Those were the days. It’s not them who were the defective anymore. It’s the radio itself this time.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.