Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 August 2013

Double-Sided Tape: PNP

8/5/2013 12:51:17 PM

May dalawang mukhang hinaharap ang PNP. Ang isa’y papuri, habang isa naman’y malaking dagok sa kanilang reputasyon.


Sa mga balitang umalingawngaw noong nakaraang buwan ay ayon sa isang pag-aaral, ang Philippine National Police ay isa sa mga pinaka-tiwaling organisasyon sa ating pamahlaan.

Hindi na rin ito kataka-taka dahil sa mga corrupt na tao na nasa ibabang bahagi ng kapulisan. May mga sinusumbong na kaso ng pangongotong, pagbabanta, mga tila may koneksyon o accessory sa mga karmual-dumal na krimen, pagpe-frame-up o hulidap, illegal na raket, at tahasang pang-aabuso ng kanyang kapangyarihan sa kapwa mamamyan, kung saa’y pumapasok din sa kategoryang ito ang paglabag sa karapatang pantao.

Sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo, parang wala yatang isang araw na lumilipas na may nirereklamong miyembro mula sa hanay ng mga alagad ng batas. Sa malamang, isa na ito sa mga dahilan kung bakit wala nang tiwala ang karamihan sa kapulisan.

Kung bakit sa panahon na naagrabyado ang mga mamayan ng mga kawatan ay dalawang bagay ang kanilang pinagpipilian: (1) manahimik na lang at ipagkibit-balikat ang mga ito, o (2) ang mas nakakatakot na pamamaraan – ang ilagay sa kamay ng mga biktima ang batas. Bagamat mas marami ang pinili yung nauna.

Pero bakit nga ba naging tiwali ang mga ito? Dahil ba sa sadyang marumi ang kalakaran ng buhay sa ating bansa? Madali kasi na kondenahin sila sa mga ginagawa nila. Subalit sa kabila ng mga tila kasakiman ng kanilang gawain, may mangilan-ngilan d’yan na parang mga hamog din – mga kumakapit sa patalim. Dala ng kahirapan ba? Posible, naisasantabi nila ang mga bagay na tama, dahil kailangan nilang maka-survive.

Yun nga lang, kung ang last resort nito ay ang mga agwaing mapang-abuso at ilegal, hindi rin talaga tama. Minsan naiisip ko, pare-pareho lang tayong biktima ng bulok na sistema sa ating lipunan.

Malaking factor rin siguro kung bakit nagkakaganun ang kapulisan ay yung kakulangan nila sa training, sandata, at iba pang statistika sa mga ulat, na palagiang sinasabi ng kritiko sa PNP. Sa ngayon ay sinosulosyunan na ng pamahalaan ang problemang ito.

Pero kung may mga tiwaling pulis, may mga matitino naman. At ito ang ibinida ng ating Pangulo sa kanyang State Of The Nation Address. Kabilang yung babaeng pulis na lumaban para madakip ang isang criminal kahit wala siyang sandata at nasaksak.

Maliban pa d’yan ang mga taong mula sa naturang hanay na pinuri sa social media dahil sa kanyang pagtulong sa nangangailang tao. At kahit yung pulis na umiyak na lang dahil halos maubos na ang kanyang pasensya noong kinompronta niya ang ialng aktibista noong kasagsagan ng SONA.

Sabagay, madaling magsabi na “kung ganito lang sana ang kapulisan – gayahin ng mga abusado ang mga dukha sa kanilang tungkulin.” Malaking bahid sa mga nakakataas ang mga kaso ng katiwalian e, lalo na kung matitino ang karamiahn sa mga posisyon na ito. Sila ang napagbubuntungan ng sisi at sari-saring pambubulyaw mula sa iba’t ibang sektor ng tao.

Pero malay mo ‘di ba? Ika nga ni Tulfo (hindi sa eksaktong pananalita), “hindi naman lahat ng nasa kapulisan ay abusado.” Maliit na porseynto nga lang  sa mga ito ay tila mga mapang-abuso. Pero yun nga lang, likas kasi sa atin ang pumuna sa isang bagay dahil lang sa kanilang katiting na kamalian.

May kasabihan, “one single mistake can’t define a man alone.” Ibig sabihin, hindi dahil sa maliit na pagkakamaling nagawa ng isang tao ay nuknukan na siya ng kasamaan. Parang sa hanay ng kapulisan – hindi porket na may isang abusadong pulis sa ating lipunan ay abusado na rin ang lahat ng nasa PNP. Sinisikap man nilang linisin ang kanilang pangalan bagamat napakahirap na trabaho ito para sa kanila.

Yun nga lang, mahirap talaga.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!