18 August 2013

Historic Win

8/16/2013 1:14:41 PM

Noong isang linggo, nasaksihan ng karamihan ang labanang ito.


Halos karamihan na pumunta sa Mall Of Asia arena para panoorin ang main event ng gabing ‘yun; mga nakaantabay sa Facebook, Twitter, at sa mga live blog ng mga news portal; at mga nakaantabay sa Basketball TV, TV5, at kahit sa mga live streaming websites; ay alam na alam ang mga nangyayari nun.

Sa madaling sabi, kung isa kang tunay na Pinoy basketball fan (unless kung tinutukuan mo pa ang mga palabas na tulad ng The Voice, Celebrity Bluff, at iba pa), ay alam na alam mo ang nangyari noong Agosto 10, 2013, mula alas-8:30 hanggang alas-10:30 ng gabi.

Malaki ang kalaban. Malaki rin ang historya ng pagkatalo sa kanila. Tila isang sumpa kung maituturing na sila lagi ang nagiging malaking balakid para sa daan ng mga Pilipino para umangat sa Asya kung basketball supremacy ang usapan. Nagbadya pa nga na agawin ang laro mula sa ating home court.

Na-injured pa ang malaking mama na si Marcus Douthit bago maghalftime. Ouch. Literal na naging short-handed in an instant ang Pilipinas pagdating sa big man (I mean, malaking mama talaga na kasing height niya).

Pero ang kabutihan ng kapalaran ay napunta kay Jean Marc Pingris kung “filling his shoes” ang usapan. Ang 6-5 na mula sa isa sa mga paboritong koponan sa PBA na San Mig Coffee ay mas matayog pa ang lipad kesa sa mga higanteng Koreano. Samahan mo pa ng mga bataan ni Coach Chot na sila Jason Castro, Jimmy Alapag at ang kabuuan ng Gilas Pilipinas.

Nawala man ang isa, nanaig pa rin sila. Yan ang tunay na teamwork. Puso, ika nga ng kanilang slogan. Samahan mo na rin ng walang humpay na buhos ng suporta mula sa mga taong nakatutok sa labanang ito. Ang pitong puntos na margin ang nagputol sa jinx ng Pilipinas laban sa South Korea.

Halops naechapwera na nga nito ang championship game laban sa Iran (na kung saan ay natalo ang mga Pinoy, pero good para sa silver medal finish). Dahil para sa karamihan at pati na rin sa mga nagtitiwala sa Gilas, ang importanteng trabaho ay nagawa na – yan ay ang makarating sa FIBA World Cup sa sususnod na taon.

Sa wakas, matapos ang tatlo’t kalahating dekada, at totoo na nga ito, na nasa mapa na muli ng mundo ng basketball ang Pilipinas. Isang malaking saludo para kay Coach Chot reyes at sa kanyang mga manlalaro para sa nakamait na isang malahiganteng tagumpay para sa ating lahi. Mabuhay!


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.