8/9/2013 9:41:13 AM
Sa kabila ng mga pang-aasar na ibinabato sa kanya, marami
namang naiisip na bagong panukala ang bagitong senador na si Nancy Binay.
Nariyan ang pagkakaroon ng 15-minute break para sa mga taong maghapon na
nakatayo ang trabaho, ang e-VAW o Electronic Violence Against Women bill. Pero
ito ang mas lumikha ng ingay sa lahat ng kanyang ipinanukala sa ngayon – ang
tinaguriang anti-Meme bill.
Naglalayon ang kontrobersyal na panukala na ipagbawal sa
social media ang pagpopost ng nakakatawang litrato. Bagay naman na inalmahan ng
karamihan.
Ang daming problema ng Pilipinas, bakit ang mga meme pa ang
nagawang putaktehin ng babaeng ito? Oo nga naman kasi, hindi naman lahat ng mga
Pilipino ay may Facebook account o ni Twitter man lang. Kung tutuusin, maaring
bilang na lang sa atin ay hindi nga alam kung ano-ano ang mga yan, pero
pustahan, karamihan din sa atin ang hindi alam ang wastong pagagamit sa mga
yan.
Pikon si Binay kaya n’ya naipanukala ‘to. Ganun? Napakaseryosong
tao. Kunsabagay, ikaw ba naman kasi ang putaktehin ng sari-saring kalokohan ng
ilang mga netizen e, lalo na noong nakaraang eleksyon. Subalit sa kabilang
banda, ang punto nito ay para ipagtanggol ang mga kawawang nilalang na laging
nagiging subject ng mga meme.
Hindi na ako magtataka kung susuporta ang iilan dito
(actually, kahit ang inyong lingkod at sang-ayon sana dito, kung sobrang foul
na sa pangtitrip ng karamihan sa akin) dahil hindi alam ng karamihan kung gaano
katindi ang pakiramdan ng mapahiya at ang mahusghan ng kapawa user mo sa mga
social networking site hangga’t hindi nila naranasan ‘to ni minsan.
At d’yan papasok ang pagpuna o pagkondena sa ilang mga
siraulo na walang ginawa kundi mangtrip ng iba kahit hindi na nakakatawa.
Tapos, pag may umalmang napikon ss mga biro nila, aasarin pa ng mga ‘to na keso
makitid ang utak at kung anu-ano pa.
Bottom line, ang alam ng maraming tao ay magpost ng magpost,
at walang pakialam kung nakakatapak na sila ng ibang tao sa mga kalokohan nila.
hindi nila alam ang responsibilidad at kung gaano kalawak ang kapangyarihan ng
social media.
Pero ang problema kasi ay maraming mga miyembro sa mga
social networking sites ang mga likas na siraulo. TROLL kung tawagin. As in
ganun talaga sila. At kung sakali man na maipasa ‘to, good luck sa atin mga
netizens.
Pero… asa ba naman na maimplemeta ‘to pag nakataon. Marami
ngang batas sa ating lipunan, ke sa totoo man o virtual na mundo, ang hindi nga
naipapatupad ng maayos e. hindi ko na kailangan magbitaw ng halimbawa dahil
ikaw mismo kung mapagmasid kang tao ay mapapansin mo ‘yan.
Ayos sana
kung sa mga batas na nagsusupil sa mga uploader ng mga sex scandal na lang ang
dapat tinira ng panukalang ‘to e. Kaso, funny photos? Oh, come on! Marami pang
dapat supilin nag ago sa lipunan, maliban sa pagto-troll ng iilan. Dahil
cybercrime law nga hindi magawang maipaimplementa o ni manalo sa argumento, yan
pa kaya? Kung paigtingin na lang kaya ang batas na may saklaw sa mga
iskandolosong video, baka matuwa pa kami.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!