8/5/2013 1:07:11 PM
“Saan kayo nakakakuha ng kapal ng mukha?” Yan ang isang
matunog na bira ni P-Noy sa isa sa mga tiwaling grupo sa kanyang pamhalaan –
ang Bureau of Customs. Walang pakundangan na tinira niya ang BOC sa kanyang
State Of The Nation Address
nitong Hulyo 22, 2013.
Ilang oras matapos ang maanghang na remark na yun ay
nagtangkang magbitiw sa kani-kanilang mga puwesto ang mga pinuno ng naturang
kagawaran na sila Ruffy Biazon at Ret. Gen. Danilo Lim. Bagay na hindi naman
tinanggap ng Malakanyang.
Dahil dito, ay magkakaroon ng matinding balasahan ng tao.
Kaya inutos ni Biazon sa 54 na port collector na bakantehin ang kanilang
posisyon. Sa huling kaganapan na napanood ko sa isang Aug. 2, 2013 episode ng
programang Dokumentado ng Aksyon TV ay 53 sa mga ito ang umalis sa
kani-kanilang mga inuupuan. May isa pang hindi nagpapasa ng courtesy
resignation letter.
Matinding balasahan ‘to at mukhang gabundok na trabaho ito
mula sa kainilang pinuno. Kung papakinggan naman ang mga sari-saring patutsada
mula sa kumentartista, wala sa mga nasa itaas ang problema. Kung tutuusin,
posible pa nga na nasa ibaba ang sali-saliwang gawain ng corruption.
Nasa lagay na sistema rin, maliban sa mga literal na
smuggled goods (as in hindi nagdedeklara ng tama ang kanilang kargada para lang
makalamang sa pagbayad gn tamang buwis), at kung isasali pa rin ang mga nasa
matataas na pwesto – ang sistema ng padrino.
Ayon sa isang pahayagan ay may three kings na tinatawag ang
ilang mga padrino sa Customs. Bagay naman na pinabulaan ng mga personalidad na
sangkot at kahit ang Malakanyang.
Ganun? Sa tingin ko, matira matibay ang mga makakapal ang
mukha sa hanay nila. Kung corruption lang ang usapan, malamang na nasa mga
piling tauhan ang may problema. Kung maalala niyo ay may nabalita dati nna
isang empelyado ng Customs na tila nag-amok sa SLEX at binaril ang isang
estudyanteng nagmamaneho din ng sasakyan. Ano ang dahilan? Nagkagitgitan lang
naman sila sa superhighway na ‘yun.
Ano na kaya nangyari sa mokong na ‘yun? Sana naman ay niliha na niya ang makapal
niyang mukha.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!