Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 August 2013

Just My Opinion: Jeane’s Lifestyle and The Society’s Rants

8/7/2013 12:19:20 PM

Last week, usapan sa social media ang video na ito.



Kinalat  yan ng isang blogger. Wow, big scoop, ika nga. Walang masama dun. At least, maliban sa sikat ka, ay may impormasyon ka na naiambag sa ating kabihasnan.

Aniya, sobrang magarbo ang lifestyle ng anak ni Janet Lim-Napoles na si Jeane. Mantakin mo na pinag-aral ni Janet ang kanyang anak sa ibang bansa, at talaga namang sopistikado na elitista ang datingan niya.


Okay sana kung maging mayaman ka sa natural na pagsisikap e. Kaso, may sabit lang, at hindi ukol sa relasyon at sekswalidad ang “sabit” na tinutukoy” ko. Sinasabi kasi na baka sa malamang ay nakuha rin ang yaman na ito sa tinatawag na “pork barrel” scam na kinabibilangan ng mga pulitko sa lehislatura, ni Madam JLN, ang whistleblower na si Benhur Luy, at ilang mga opisyales ng kanyang kumpanya at pati na rin ang mga bogus na Non-Government Organization o NGO. Ang di umano’y pangangamkam ni Napoles ng bilyun-bilyong halaga ng pera mula sa iba;t ibang ahensya ng gobyerno, at pati na rin sa mga naturang senador at kongresista.

Kaya sa alburoto ng mga taxpayer ay nakamkam pati ang mga bagay na tila off-limits na. yan tuloy, sa galit ng mga tao ay nakamkam na pati ang lifestyle ng kanyang anak. Bagay na (siyempre, kahit sinong magulang naman e) pinagtanggol ni Janet. Huiwag daw silang husgahan. Sabagay, may tinatawag naman kasing “due process.”

Pero aanhin pa ba kasi ang due process kung sobrang bagal ng husisya sa Pilipinas; at sobrang bulok pa nito? Alam mo, kung sa estado lang ng pamumuhay ang usapan, ang mga nasa gitna ang walang boses na magsaltia. Pero sila ang mas nagsisikap at mas may inaambag. Kaya alam mo, hindi na kataka-taka kung bakit ganun na lamanag kabadtrip ng ilan sa atin.

Sa totoo lang, asa pang mababawi ang mga yan kung sakaling masentensyahan pa siya ng guilty sa kasong yan. Seryoso.

Pero… putangina, hoy! Buwis naman yan! Hindi ka rin nakakabuwisit ano?

(oh, easy, easy)

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions



No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!