Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 August 2013

Just My Opinion: Manila Bus Ban

7/29/2013 3:26:08 PM

Noong nakaraang linggo, inimplementa ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang isang “bus ban.” Naglayon ito na ipagbawal ang pamamasada ng mga pamapasaherong bus sa naturang lungsod kung wala itong mga terminal. Ibig sabihin, ang mga bus na ang ruta ay naapektuhan ng naturang ordinansa ay hindi makapapasok ng lungsod. Hanggang city boundary lang sila, tapos ba-byahe na sila pabalik sa kani-kanilang mga destinasyon, ke Cavite man yan, Fairview o Cainta.


Bagay na nagdulot naman ng magkahalong reaksyon mula sa iba’t ibang sektor. Aprub dito ang Metropolitan Manila Development Authority, pero hindi naman sa Land Transport Franchising and Regulatory Board. Sa parte ng mga bus operator at driver, illegal. Sa panig naman ng mga kuliglig, UV Express at jeepney drivers, dagdag kita. Sa hanay naman ng mga commuter, tipid sa oras, bawas trapik, pero dagdag gastos sa pamasahe. At sa pananaw ng kalapit na Kyusi government, pinasa naman sa kanila ang problema sa trapiko. 

Layon rin kasi ng gobyerno nila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Vice Mayor Francisco Dumagoso a.k.a. Isko Moreno a.k.a. Manila’s “Traffic Czar” na makontrol at maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kanilang lugar. Ika nga niya sa kanyang panayam sa dalawang newscast ng TV5, “walang tao sa mundo ang makakapg-solb ng trapiko. Pero ang mga lider nito ay kayang gawing “manageable level” ang trapiko.”

Well, tama lang din naman. At ang sagot niya sa reklamo ng kapitbahay, “kanya-kanyang diskarte lang yan.”

Subalit sa paglipas ng mga araw, nagkagulo-gulo yata ang mga binibitawang statement ng mga matataas na opisyales nito. Aniya, ang wika ni Mayor Erap ay ang mga colorum buses lang ang bawal. Samantalang si Vice Mayor naman ay stick sa naunang layunin. Bagay na nilinaw rin naman nila, at nagresulta ito sa ilang mga pag-amyenda sa naturang ordinansa. Sa ngayon ay maari nang bumiyahe sa Maynila ang mga bus. Pero pili nga lang ang mga ito.

Ngayon, ang masasabi ko nga lng dito ay natural na may mga pagbabagong magaganap sa naturang lugar tutal bago ang pamunuan nila. Kung ito naman ay para sa ikagaganda ng nakararaming Manilenyo, ayos lang yan. Yun nga lang, may magsa-suffer kasi e. tulad noong unang inimplementa ito, maraming napahassle ang lakad dahil sa mahabang lakarana para makasakay ng panibagong transportasyon at nadagdan pa ang gasotos nila. Pero sa tila pagbawi (o pagsasaayos) ng bus ban na ito, trapiko pa rin ang aabutin.

Bottom line, nakasalalay sa kamay ng mga tsuper ang sitwasyon ng trapiko sa kanilang kalsada. Kung matutuo silang dumisiplina at sumunod sa batas-trapiko, madalas sa mga pagkakataon ay posibleng maganda at maging magaan ang daluyan ng mga sasakyan. Natural lang na dapat sila sumunod sa mga alintuntunin dun dahil lugar nila ang dinadaanan ng mga sasakyan na yun.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!