8/3/2013 12:44:50 PM
Maraming nauusong bagay sa ating mundo kada taon, ke artista
man yan, programa, kanta, libro o kung anuman. At narito ang ilan sa aking
patutsada sa mga ito. Well, iko-correct ko lang, sa mga pumatok sa unang
kalahati ng taon ngayong 2013.
:poop: emoticon sa
Facebook
Siguro sa una, papatok talaga ito. Kaso nakasasawa na rin in
a long run e. Kaya nga minsan nagmumukhang madumi ang mga chat box ko sa fb,
lalo na kapag nagkakaroon ng conversation sa mga Facebook group. Buti na lang,
may tatlo akong option: linisin ang usapan, i-turn off ang chat para sa akin, o
ang umalis sa mga grupong ito.
My verdict: must
die.
Gentleman
Since sobrang gasgas na ang Gangnam Style ni Kuya Psy, na
hindi naman nagunaw ang mundo matapos umabot ang video ng kantang yun sa isang
bilyong views (aus, nagpapaniwala kayo dun? Ano kayo ngayon, nganga?), may
second single siya na pumatok din naman… kahit papaano. At least hindi siya
one-hit wonder. Dahil isang malaking bullshit yun kung nagkataon para sa
kilalang Korean rapper. At kahit papaano ay may naiintindihan pa naman ako
My verdict: Must
exist kung kaya mong sayawin ‘to. Must die kung magpapaka-TH na sayawin o kantahin
‘to.
Dahil sa isang blogger ay pumatok ang videong ‘to (kaya
Titosen, never ever under-estimate ang kapangyarihan ng isang blogger), ay
naging worldwide hit ang sayaw na ito. Halos sinuman na andun ay may
kanya-kanyang 30-ish seconds of fame.
Pero sa totoo lang, mas okay pa ang Harlem Shake ni Bogart
e.
At ano ba ang meron sa Harlem
Shake na ito? Parang gumala ka lang naman sa bar e. yun nga lang, ilang segundo
na isa lang ang sumasayaw at the next time around ay party-patry mode na ang
karamihan. Pero, ang labo pa rin e. Parang tanga lang.
My verdict: must
die.
Gwiyomi
Isang banyagang kanya na pinatugtog minsan at napauso sa
tulong ng mga tulad ni Vice Ganda. Kaso, ano anman meron dito? Nyemas, isa ring
malabo at
sobrang ampaw na pagpapansin? Unless kung cute ang nagpapansin tulad ni Alodia
Gosiengfiao.
My verdict: must
die, unless cute yung nagi-Gwiyomi
Hashtag sa Facebook
Ano ‘to? Nakigaya sa Twitter? Pati na rin sa instagram at Tumblr? Wala nang
mahabang paliwanagan!
My verdict: depende
sa paggamit. Must die kung for fame-whore’s sake and purpose lang ito
gagamitin.
Nasa ‘Yo Na Ang Lahat
Sa lahat ng kanta sa Himig Handog Love Songs, ito ang mas
pinansin. Anyare sa mga tunay at talagang panalo sa patimpalak na ‘yun? Sobrang
patok nya mina-mock na ang pagkanta nito. Sinubukan ‘tong pakinggan ng inyong
lingkod. Isa lang masasabi ko…. So mainstream. Eww!
My verdict: must die,
definitely must die (kung sa bulok ang istilo ng pagkanta niyan ha?).
Ang racist jokes
against Nancy Binay
O, asan ang mga nanlait sa kanya? Hinuhusgahan nyo siya kasi
gamit ang kanyang balat e. kung naging matalino lang sana kayo sa pagpuna. Nanalo na s’ya habang
kayo at tayo, nganga.
My verdict: must
die. Mag move-on na yung mga taong hindi makapag-move on.
Iron Man 3
Hindi kataka-taka na ito ang pinakamainit na pelikula nitong
summer sa ating bansa. talong-talo ang It Takes A Man And A Woman dito. Hindi
dahil sa banyaga o colonial mentality. Dahil sa dating ng kwento mismo. sad nga
lang, wala nang Iron Man 4. Pero okay lang yun. Epic naman ang pelikulang ‘to
e.
My verdict: must
exist.
It Takes A Man And A
Woman.
Dahil sa quotable quotes at pagpapatuloy ng kwento ng tandem
ni Sarah at John Lloyd, kumita na naman sa takilya ng lokal na sinehan ‘to.
Kaso, leche, love story na naman? Can we get something better than this?
My verdict: must
die.
Minions
Bagamat unang araw ng July nagsimula ang ikalawang pelikula
ng Despicable Me, unang kalahati pa lang ng 2013, nagsisimula nang maging
maingay ang mga makukulit na nilalang na ito. Magmula pa nga lang noong nilabas
sa YouTube ang mga trailer nito noong late 2012 e.
At noong Hunyo, ayan na. dumami ang bentahe ng Happy Meal,
dumami ang mga laruan na minion sa mga tindahan. Naglipana ang mga ad ng DM2 sa
mga sasakyan at dyaryo. Paunang hype na, na nasustain naman hanggang sa buwan
ng Hulyo. At pustahan, sa hulian ng 2014 o simula ng 2015, magiging trending na
naman ito.
My verdict: must
exist
Man Of Steel
Umarangkada na naman si Superman. Yun nga lang, nasapawan
nito ang independence day ng ating bansa.
My verdict: must
exist, pero sana
naman next time (tutal may sequel na ‘to) ay wag ituon sa national holiday ang
screening.
Fast and Furious 6
Maliban sa astig na pelikula, astig rin ang pag-istambay ng
mga tropa ni Vin Diesel sa bansa (siyete, bakit hindi ko nalaman na andito pala
ang kambal ko? LOL). Partikular na yung paggala ng kalbong hunk actor na ito sa
mga kalye ng Metro Manila (kunsabagay, ‘di rin makakapaglag ang sinumang
magtangka na mag-snatch ng gamit niya dahil sa mala-bouncer niyang katawan).
One hell moment to remember.
My verdict: definitely
must exist.
NBA Finals
Ay, palagi naman ‘to e. kunsabagay, nagiging maingay ulit
ang mga haters ni LeBron (ironically, parang mag alikabok lang din ang mga yun
nung andito siya), at ang mga diehard fans niya.
Pero mainit din ang bakbakan kahit tila scripted ang
datingan. At nagkatalo lang nung Game 7. Yun nga lang, parang may
post-finals-game-syndrome ang mga fans ng parehong koponan.
My verdict: must
die, dahil tapos na ang laban. Move on move on din ‘pag may time.
Just Give Me A Reason
Isang dahilan kung bakit kahit papaano ang love song ay
matitino pa. salamat sa duet nila Pink at Nate Reuss ng Fun. Yun nga lang,
hindi na rin ako magtataka kung magiging laman ito ng videoke sadarating na
panahon at magiging kadalasang kinakanta ng mga adiksa videoke pag nagkataon.
My verdict: must
exist
Pusong Bato
Kung tutuusin, last year o 2 years ago pa nga yata ‘to e.
Kaso sa paligid ko, parang di pa rin makamove on sa kantang ito. Kapag may
party nga e, hindi mawawala ito sa mga kinakanta ng karamihan. Naalala ko nga
noong Pasko e na sa loob ng halos 2 oras, ito at ito lang ang kinakanta ng
sinumang nagbi-videoke nun. buti na lang at hindi “My Way.”
Kaso, pucha… nakababato na rin ‘to e.
My verdict: must
die kung nakabato ang kumakanta nito sa videoke. Pero must die na rin talaga
anyway.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!