02 August 2013

Napag-iiwanan Na Nga Ba Ang Basketball Sa Ating Bansa?

8/2/2013 11:56:58 AM

Napag-iiwanan na nga ba ang basketball sa ating bansa? Siguro, kung reality bites ang gusto mong kasagutan.

Oo, reality bite nga. Harsh reality bite ‘to para sa atin. At sa darating na FIBA Asia, malaki man ang tiyansa para masungkit ang ikatlong ticket para sa World Cup ng FIBA sa Spain. Pero dadaan naman tayo sa napakaliit na butas ng karayom. Siguro, napaka-sure spot na yung makarating tayo sa either quarterfinals o semifinals.

Paano ko nasabi ang mga ‘to? Ganito kasimple: Simula noong nakalaya tayo, maraming bagay na ang unti-unting nawala sa atin – kasama rito ang ating dominasyon sa international basketball. Noong 1986 ay dapat lalahok din tayo sa World Cup ng basketball sa Espanya. Sa kasamaang palad, hindi tayo natuloy dahil sa estado ng pulitika sa ating bayan. Ayon yan sa FYI segment ng programang Reaksyon ng TV5.


Kaya hindi tayo ganung kakilala na sa laranagan ng naturang palakasan. Kasabay na rin nito ang pagiging interesado ng ibang bansa sa sport na ito. Mantakin mo, ang unang pay-for-play league sa Asia ay napag-iiwanan ng mga kalapit na bayan na rin? Sila, may mga kanya-kanyang manlalaro sa NBA na rin. Habang tayo… anyare? Naunahan pa natin ang Euroleague kung kasyasayan ang usapan pero sila pa ang mas may nadevelop na talento sa pinakasikat na liga sa mundo kesa sa atin.

Saka hindi ganun kahasa ang development ng ating talento. Maliit pero maliliis at maliksi nga. Pero halos lahat ng bansa ay kumpleto na sa rekados kung talino sa basketball ang usapan.

Sa mahigit tatlong dekada, walang-wala na sa ating reputasyon ang pagiging dark horse ng world baskeball. Napalitan ito ng mga bansang tulad ng China, Jordan, Iran, at ang Lebanon (kahit sinuspinde ng FIBA ang bansang ito). Ang mga Intsik at ang mga Iranian ay ang mga odds-maker’s pick para magtunggali sa Finale ng FIBA Asian Championship.

Kung may bagay man tayong pinanghahawakan, ito ay ang pinakamataas na pwesto na nakamit ng isang Asyanong bansa sa kasaysayan. Sa madaling sabi, tayo pa rin ang pinakamataangas pagdating sa basketball

Kaya siguro nagkaroon ng programa para ibalik ang supremacy ng basketball sa Pilipinas. Hindi masama ito, kailangan natin ‘to e. At naniniwala rin ako na naglevel-up na tayo pagdating sa talent at line-up natin.

Manalo o matalo man sa patimaplak na ito, kahit papaano ay may naipakita ang Pinoy. Huling nanalo ang Pinas sa ating home court noong 1973, at ang pang-lima nating korona sa FIBA Asia ay nakamtan noong 1985. Bagamat malaking dagok sa ating bayan nun ang pagkabigo sa 1978 World Championships sa ating bansa, matapos maging kulelat sa lahat ng pitong laro nito.

Hindi lang laban ang dapat gawin ng ating Gilas. Bangon pa.

Nasa home court na natin ang labanan. Kakayanin natin yan.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.